Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

ICC TULOY NA ANG PAGLILITIS KAY Ex-President DUTERTE

Tuluyan nang uusad sa paglilitis ang kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos kumpirmahin ng International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber I ang mga kasong crimes against humanity kaugnay ng madugong kampanya kontra droga na ipinatupad niya bilang alkalde ng Davao City at kalaunan bilang pangulo ng Pilipinas.

Ayon sa tatlong hukom ng ICC, may “substantial grounds” para maniwalang si Duterte ang responsable sa murder at attempted murder. Batay sa desisyon, ang mga krimen ay isinagawa “as part of a widespread and systematic attack against a civilian population on the territory of the Republic of the Philippines between 1 November 2011 and 16 March 2019 in the context of the ‘war on drugs’ campaign.”

Sa Maynila, malugod na tinanggap ng Malacañang ang pasya ng ICC. Sa isang pahayag, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na iginagalang ng pamahalaan ang unanimous ruling ng korte na tuluyang isulong ang kaso laban sa dating pangulo.

“We respect the ruling of ICC that confirms all charges of crimes against humanity against the former President Duterte. Hustisya ang kailangan makuha sa mga kasong ito (Justice is what needs to be achieved in these cases),” ani Castro.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng due process at patas na paglilitis.

“Parehong partido ang makikinabang rito. Hustisya para sa akusado kung walang sala o hustisya rin sa mga biktima kung naabuso naman ang kanilang karapatan (Both parties will benefit from it. Justice for the accused if they are innocent, and justice for the victims if their rights were abused),” dagdag pa niya.

Sa 50-pahinang desisyon ng ICC, sinabi ng mga hukom na ipinapakita ng ebidensya na si Duterte ay “developed, disseminated and implemented” ang isang polisiya para “to ‘neutralize’ alleged criminals.”

Ayon sa mga tagausig, mula pa noong 2011, pulis at mga kasapi ng hit squads ang nagsagawa ng dose-dosenang pamamaslang sa ilalim ng naturang polisiya.

“For some, killing reached the level of a perverse form of competition,” pahayag ni Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang sa mga pretrial hearing noong Pebrero.

Si Duterte, na nagsilbing pangulo mula 2016 hanggang 2022, ay inaresto sa Pilipinas at dinala sa The Hague, kung saan matatagpuan ang ICC. Mariin niyang itinatanggi ang mga paratang.

Ayon sa kanyang lead defense lawyer na si Nick Kaufman, ang desisyon ay “is based on the uncorroborated statements of vicious self-confessed murderers acting as cooperating witnesses.”

Wala pang itinakdang petsa para sa pagsisimula ng paglilitis. Hindi rin humarap si Duterte sa alinmang pagdinig matapos niyang talikuran ang karapatang dumalo. Noong nakaraang buwan, napagpasyahan ng mga hukom na siya ay fit to stand trial.

Sa Pilipinas, ikinatuwa ng mga pamilya ng mga nasawi ang desisyon ng ICC. Para sa kanila, ito ay mahalagang hakbang tungo sa hustisya.

“This is for all the victims, who were not even given the chance to be recognized as victims because their stories were twisted in police reports, investigations and findings,” pahayag ni Randy delos Santos, tiyuhin ni Kian delos Santos.

“Now the ICC will give their stories a chance to be told,” dagdag niya.

Ayon naman sa Human Rights Watch, “Duterte’s trial will send a powerful message that no one responsible for grave crimes is above the law.” /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles