Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Hanggang P10 rollback sa diesel, ipapatupad next week

Posibleng makahinga nang kaunti ang mga motorista sa susunod na linggo matapos tantiyahin ang malaking rollback sa presyo ng diesel.

Batay sa industry estimates matapos ang limang araw ng trading sa Mean of Platts Singapore, inaasahang bababa ang presyo ng diesel mula P8.80 hanggang P10.80 kada litro. Sa gasolina naman, wala pang galaw pero possible umanong bumaba ng hanggang P1.50 kada litro.

Ilalabas ang pinal na anunsyo ng oil companies sa Lunes, at ipatutupad ang bagong presyo sa Martes, alinsunod sa lingguhang adjustment system ng industriya.

Malaking kabaligtaran ito sa nangyaring oil price hike nitong April 7, kung saan tumaas ang presyo ng gasolina ng P6.00 kada litro, diesel ng P19.80 kada litro, at kerosene ng P9.10 kada litro.

Sa kabuuan, ito na ang ika-14 na price adjustment ngayong 2026. Umabot na sa net increase na P54.20 kada litro ang gasolina, P109.85 kada litro ang diesel, at P8.20 kada litro ang kerosene mula simula ng taon.

Ang inaasahang rollback ay kaugnay ng pansamantalang pagluwag ng tensyon sa Middle East matapos ang dalawang linggong ceasefire na napagkasunduan ng US at Iran. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles