Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Gov. Vilma Santos-Recto, on Sister Stella L after 42 years, the National Artist issue, public service etc..

The relevance of Sister Stella L after 42 years

Matagumpay na naipalabas ang restored version ng 1984 classic socio-political movie na Sister Stella L last Sept. 20 sa Metropolitan Theater, Manila.

Ang naturang event ay pinamahalaan ng FDCP (Film Development Council of the Philippines sa pakikipagtulungan ng NCCA (National Commission on Culture and Arts) na siya ding nagpapatakbo ng MET, ang ngayoý 94-years old ng istruktura na tinatawag na “teatro ng bayan.”

Dahil si star for all seasons, Vilma Santos ang bida sa pelikula,  dinagsa ito ng hukbo ng kanyang mga tagahanga na magkakahalong mga bata at senior citizens.

Subalit marami din ang mga nanood na mga estudyante, mga executives at mga ordinaryong mamamayan na “amaze na amaze” tapang ng tema ng movie tungkol sa labor union, media practice, human rights at ang naging journey ng isang madre na namulat sa mga sistema ng lipunan noong panahon ng diktaduryang Marcos Sr. regime.

Ipinalabas ang pelikula noong 1984, 12 years old pa lang ang Martial Law (1972) at prinodyus ng Regal Films sa direksyon ni Mike de Leon at sa panulat ni Pete Lacaba.

Ngayong Sept. 21, 2026 ay ginugunita naman ang ika-54 na taon ng deklarasyon ng Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. 

Pinagbibidahan ito ni Vilma Santos, kasama sina Jay Ilagan, Laurice Guillen, Gina Alajar, Tony Santos Sr., Anita Linda, Eddie Infante, Rody Vera, Malu de Guzman, Raquel Villavicencio, Adul de leon  at Liza Lorena.

Noong 1985 Gawad URIAN, hinakot halos nito ang lahat ng major at minor awards mula sa mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

Napanalunan ng pelikula ang mga awards na Best Picture, Best Director (Mike de leon), Best Actress (Vilma), Best Supporting Actress (Laurice), Best Actor (Jay Ilagan), Best Supporting Actor (Tony Santos Sr.), Best Screenplay (Lacaba, Jose Almojuela, Mike de leon), Best Music (Ding Achacoso), Best Editing (Jess Navarro), Best Sound (Ramon Reyes). Nakakuha din ito ng mga nominasyon para kina Gina Alajar at Liza Lorena (Best Supporting Actress) Production Design at Cinematography.

Mula URIAN, halos nakopo din ng movie ang mga nominasyon at awards mula sa FAP (Film Academy of the Phils, now LUNA Awards), FAMAS, STAR  Awards, hanggang sa Venice International Film Festival sa Venice, Italy.

Ang 2026 version ay dumaan sa 4k resolution restoration na ginawa sa L’Immagine Ritrovata in Bologna, Italy, in partnership with the Film Development Council of the Philippines (FDCP) and the Philippine Film Archive (PFA).

Kasama dito ang previously deleted scenes at sa label nitong director’s cut na may title na “Sangandaan” (Sister Stella L.), ito ay nagkaroon ng global debut last  June 2026 at the Il Cinema Ritrovato festival in Bologna, Italy.

“Nagpapasalamat ako kay Mother Lily (Monteverde) dahil talagang sinugalan niya ang ganitong klase ng pelikula sa panahong maraming mga bagay na tinutulan ang mga tao sa laban sa gobyerno. Yun nga lang, noong ipinalabas ito sa mga sinehan, hindi ito kumita dahil ipinakalat noong mga time na yun may mga bomba sa sinehan. Siyempre natakot ang mga tao,” kuwento ni Vilma.

Dumalo sa nasabing event si Gov. Vilma Santos, Laurice Guillen, Gina Alajar kasama ang mga anak, Roselle Monteverde, Atty. Keith Monteverde, Tirso Cruz lll, Perla Bautista, Kaye Torres, Pen Medina, Juana Change, Raquel Villavicencio, Ellen Ongkiko Marfil, Pete Lacaba, Dong Achacoso, at napakarami pang ibang mga Vilmanians, Vilmates, mga members of the media kasama ang BISTADO, mga students, school officials, FDCP at NCCA at MET officials at mga ordinaryong manonood.

Kapuna-puna namang wala si direk Joey Reyes, ang head at Chairman ng FDCP.   Ayon sa kanyang mga tauhan, siyaý mayroong iniindang karamdaman.

Muling mapapanood sa wide screen ang Sister Stella L sa mga sinehan sa buong bansa sa mga susunod na buwan.

screengrab sa redtored version, eksena sa movie

Mga Anekdota ng Pelikula

Ayon kay direk Laurice Guillen, nang ialok sa kanya ang role ni Sister Stella Bautista, ang tukayo ni Sister Stella L, wala din siyang gaanong kamulatan sa mga sistema ng lipunan.

“Basta nung sinabi sa akin ni Mike na hindi ito drama na iyakan lang at yung drama y manggagaling sa mga linya, dialogues na malaking parte ng kuwento ng awakening ng isang madre na mamumulat sa mga sistema ng bayan, ayun, tinanggap ko. Ako nga yung progresibong madre na nabuhay ahead of her time at naging malaking impluwensiya kay Sister Stella L,” pahayag ni Laurice.

Ayon naman kay Ding Achacoso na siyang musical scorer ng movie, “malaking tagumpay ng pelikula yung paggamit ni direk ng mga simpleng tunog at musika para maitawid ang tema ng karahasan, kapayapaan, katotohanan at katarungan. Hanggang ngayon, napapanahon pa din ang mga kantang “Sangandaan” (Crossroads–Composer: Ding Achacoso–Lyrics: Jose F. “Pete” Lacaba–Guitar: Lyncir Lagunzad–Performed by: Pat Castillo), 

“Manggagawa” (Workers—Composer: Ding Achacoso–Lyrics: Jose Almojuela

Performed by: Rody Vera) at  “Aling Pag-ibig Pa?” ( Composer: Ding Achacoso).

“Direk Mike plays the guitar, talagang very personal sa kanya ang music,” hirit pa ni direk Laurice.

“I had the best experience working with the genius Mike. Noong una, binalaan nila ako na maging maingat dahil hindi daw uso kay Mike yung pabida- yung sikat ka or what. Iwasan daw na matopak ito. Fortunately, ang ganda ng naging working relationship ko sa kanya. Isang beses ko lang siyang nakitang nag-freak out sa shooting. Noong nagkaroon ng isyu sa production at pinagsisipa niya yung mga drum sa harap niya. Ahhh, ‘ito na siguro yung topak na sinasabi nila,” pagbabalik tanaw ng star for all seasons.

Naging malaking bahagi din daw ang madalas na bangayan noon nina Mother Lily bilang producer at direk Mike sa maraming mga aspeto ng filmmaking.

Pero dahil kapwa nila pinaniniwalaan ang magandang tema at mensahe ng pelikula, isa na nga ito ngayon sa maituturing na classic at pinakamahalaga at makabuluhang pelikula sa history ng Phil. movies.

Sa naturang produksyon nga daw nasabi ni Mother Lily ang tila hinanakit nito sa audience noong mga panahon na yun na laging nangangantiyaw sa klase ng mga pelikula ng Regal Films na walang wawa at pulos “escapism” sa mga katotohanan sa buhay ang laman at tema.

“Pag gawa ako ng commercial film sinasabi nila, basura. Ngayon gawa ako ng movie tungkol sa mulat na madre at nakikibaka sa lipunan, hindi nila panood,” ang nooý naging sentimyento ni Mother Lily sa mga nooý aktibo sa mga kilusan at protesta laban sa gobyerno.

Ang nooý nakatapat na movie ng ‘Sister Stella L’ sa mga sinehan na Sharon Cuneta starrer-‘Bukas Luluhod ang Mga Tala,’ ang mas pinanood ng mga moviegoers noon. Bukod pa nga dito ang tila pagkakaroon ng kampanya ng mga diumanoý inutusan noon ng gobyernong Marcos na may mga bomba sa mga sinehang pinagtatanghalan ng Sister Stella L.

Direk Mike de leon at Vilma Santos on the set of the movie… 1984 foto from VSSI group

Vilma Santos, bilang namulat at lingkod bayan

Itinuturing nga ni Vilma Santos na isa ang Sister Stella L sa nag-define ng kanyang pagka-aktres sa larangan ng industriya.

Inamin niyang noong 1984 ay wala siyang sapat na “kamulatan” sa mga nangyayaring gulo sa lipunan.

“Ït is really a God-given thing. Inadya talaga ng nasa Itaas na sa pamamagitan ng pagiging artista ko ay naging isang lingkod bayan ako. Hindi ko naman talaga plinano ang pagiging politiko ko. Pero with God’s grace heto ako, pinagkakatiwalaan at nagsisilbing sa mga totoong tao sa totoong buhay at mga totoong laban,” saad nito.

To date, nasa ika-26 taon din sa public service si Vilma Santos.

Nagsilbi siyang Lipa City (Batangas) Mayor mula June 30, 1998 hanggang June 30, 2007. Kauna-unahan din siyang babaeng Mayor ng Lipa sa kasaysayan nito.

Siya din ang kauna-unahang babae na naging Governor ng Batangas simula noong 2007 hanggang 2016.

At naka-anim na taon din siya bilang Representative ng Batangas’ 6th District sa Kongreso mula 2016 hanggang 2022, kung saan naging House Deputy Speaker din siya mula 2019-2022.

At ngayong 2026, nasa ikalawang taon na siya bilang Governor uli ng Batangas kung saan ang kanyang HEARTS program ay matagumpay na nagagawa at naiikot niya sa buong lalawigan.

HEARTS stand for H – Health, E – Education, Environment and Employment, A – Agriculture, R – Roads and Infrastructure, T – Tourism and Technology at S – Security and Social Welfare.

mga halo halong kuha ng BISTADO last Sept 20, sa MET event ng Sister Stella L…. after 42 years… salamat sa VSSI group

National Artist award, pinulitika?

At dahil hindi naiwasan sa naging talk-back (discussion after ng screening ng movie), session ang tanungin si Gov. Vilma Santos hinggil sa hindi niya pagkakasama sa sampung hihiranging National Artist, muling nagbigay ng pahayag ang aktres-politiko.

“Alam niyo po, yung pagiging National Artist, napakatagal na pong isyu niyan.

May nag-nominate sa iyo, pero hindi ka nakasali, (sa final list) di ba? But again, at the end of the day, ang prinsipyo ko po sa buhay — if it’s meant to be, it’s meant to be. If it’s for you, it’s for you.”

Ayon sa star for all seasons, hindi daw talaga siya nababahala na wala sa pinal na isinumite sa Malacanang ang kanyang pangalan despite the so many groups that backed her up and delivered her credentials according sa mga rules ng NCAA at CCP.

“Sadyang ganun siguro ang buhay at mga sistema. May mga taong hindi ka rin gusto o nagsasabing they hate me, pero at the end of the day, lahat tayo maghahanap ng peace para sa ating mga sarili. Not for anything or what, but we all need to protect our peace,” pakahulugan pa ni ate Vi. 

 Dagdag pa nito, “Kung hindi ka naman nakasali, it’s fine with me. Sa animnapu’t tatlong [63] taon ko sa industriya, palagay ko naman, yung ibinigay, ang ibinalik sa akin ng industriya ay malaking regalo na para sa akin. Siguro lang, at this point in time, masyado lang naging maingay itong huling selection ng National Artist.”

At 72 years old, marami ang nagsasabing kayang-kaya pang pagsabayin ni Vilma ang pagiging lingkod bayan at artista upang higit pang makagawa ng mga obrang higit na tatatak sa kamalayan ng mga pilipino at magiging bahagi ng sining at kulturang pinoy.

“Pero at this point of time kasi, talagang nakatutok ako sa pagiging Ina ng Lalawigang Batangas. Totoong buhay at pakikibaka na ito. Mga totoong isyu ng buhay at mga totoong tao na pinagsisilbihan ko at hinahatiran at binabahaginan ng serbisyo. Malay po natin, with God’s grace, makagawa uli tayo dahil nandiyan pa rin naman ang mga offers modesty aside. Alam naman ng mga producers iyan,” dagdag  pa ni Ate Vi.

Muling pinasalamatan ni Santos ang mga tagahanga at supporter niya na hindi siya iniwanan simula’t sapul. 

“Hanggang sa aking huling hininga, kasama ko kayo at pinasasalamatan,” pagtukoy nito sa mga Vilmanians at Vilmates.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles