Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Gilas praktis pinagsasabay para sa World Cup qualifiers, Asiad

Dalawang magkahiwalay na unit ng national team ang nag-eensayo bilang paghahanda para sa FIBA World Cup Asian qualifiers at sa 20th Asian Games.

Bumalik na si naturalized player Justin Brownlee matapos gumaling sa hamstring injury.

Inaasahan din makakasama ang mga overseas players mula sa Japan B. League at Korean Basketball League, kabilang sina Dwight Ramos at AJ Edu, Carl Tamayo at Kevin Quiambao, na lahat ay lalahok sa qualifiers na nakatakda sa Agosto 28 laban sa Jordan at Iran sa Agosto 30 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ngunit dahil walang basbas ng international federation na FIBA ang Asiad, hindi isasama ni national coach Tim Cone ang mga overseas players.

Sa halip, pinili niyang bumuo ng all-PBA (Philippine Basketball Association) team, kabilang si Brownlee, sa kampanya na mapanatili ang gintong medalya sa basketball sa Nagoya, Japan.

Dumating na rin si 7-foot-3 center Kai Sotto ngunit para lamang sa FIBA qualifiers.

Sa ilalim ng training setup, pangungunahan ni Cone ang paghahanda para sa World Cup qualifiers, kasama sina LA Tenorio at Sean Chambers.

Sina Jong Uichico, Richard Del Rosario at Josh Reyes naman ang mamamahala sa Asiad training.

“We’re gonna have two pretty much separate teams. One for the window and one for the Asian Games. That’s pretty much the plan,” paliwanag ni Cone.

“We’re going to practice separately. The plan is for me to handle the window until we get it done and to transfer to the Asian team. In the meantime, Richard, Josh, and Jong will handle the Asian Games.”

Magsisimula ang basketball competitions sa Asiad sa Setyembre 10, ngunit unang pupunta ang Gilas Pilipinas sa South Korea sa Setyembre 3 upang maglaro ng dalawang friendly games laban sa Korean national squad.

Mula Korea, lilipad na ang Philippine team patungong Nagoya sa Setyembre 7.

Ang pagdalo ni Sotto sa ensayo ng Gilas matapos ang dalawang taong pagkawala ay nagdagdag ng kumpyansa kay Cone.

“It’s a do-or-die situation and we’re extremely happy that he (Sotto) responded to the call,” sabi ng Gilas coach.

“No doubt, he’s a game-changer for us. I already feel like a better coach with him in the fold.”

Ito ang unang pagkakataon na maglalaro si Sotto para sa Gilas mula Nobyembre 2024, noong FIBA Asia Cup qualifiers.

Kasalukuyang nasa ikalimang puwesto ang Pilipinas sa Group E na may 2-4 record at magmumula sa four-game skid, kabilang ang magkasunod na pagkatalo laban sa New Zealand at Australia.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles