Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

GCash parent Mynt kakasa sa P92-B IPO, posibleng pinakamalaki sa kasaysayan ng Pinas

Higanteng stock market debut ang inihahanda ng Mynt Inc., parent company ng GCash, na maaaring makalikom ng hanggang P92.32 bilyon at maging pinakamalaking initial public offering (IPO) sa kasaysayan ng Pilipinas.

Nakuha na ng Mynt ang clearance ng Securities and Exchange Commission (SEC) para sa proposed IPO na binubuo ng hanggang 1.61 bilyong bagong primary shares at 6.42 bilyong secondary shares mula sa existing shareholders.

May overallotment option din na hanggang 1.20 bilyong additional shares. Sa maximum offer price na P10 bawat share at kung fully exercised ang overallotment option, maaaring umabot sa P92.32 bilyon ang kabuuang halaga ng offering.

Gayunman, hindi pa final ang P10 offer price at itatakda pa ito sa pricing process.

Target ng Mynt na isagawa ang offer period mula October 6 hanggang 12 at mag-list sa main board ng Philippine Stock Exchange (PSE) sa October 20 gamit ang ticker symbol na “GCASH.” Subject pa rin ang timetable sa regulatory at market requirements.

Sa maximum indicated price, tinatayang aabot sa P668.96 bilyon ang initial market capitalization ng Mynt.

Inaasahan naman ng kumpanya na makakuha ng humigit-kumulang P14.95 bilyong net proceeds mula sa primary offering. Gagamitin ito sa pagpapalawak ng digital financial services, product development at general corporate requirements.

Ang malaking bahagi ng IPO ay secondary shares, kaya ang proceeds mula sa bentahan ng mga ito ay mapupunta sa selling shareholders at hindi direkta sa Mynt.

Unang sasamantalahin ng Mynt ang bagong SEC rule na nagpapahintulot sa exceptionally large issuers na magkaroon ng minimum initial public float na 12 porsiyento sa halip na karaniwang 15 porsiyento.

Lumawak na ang GCash mula sa mobile wallet tungo sa financial platform na may payments, savings, credit, insurance at investment services.

Noong 2025, nakapagtala ang Mynt ng P79.8 bilyong revenue at mahigit P17 bilyong profit habang umabot sa P17 trilyon ang gross transaction value sa GCash.

Kapag natuloy sa maximum size ang P92.32 bilyong offering, nakatakdang agawin ng GCash parent ang titulo bilang pinakamalaking IPO sa Philippine corporate history. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles