Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Gasolina, diesel taas-presyo ulit ngayong May 5

Napakasaglit lang ng palugit, taas-presyo na naman!

Muling tumaas ang presyo ng gasolina at diesel nitong Martes, May 5, kasunod ng tatlong linggong rollback sa pump prices.

Sa magkakahiwalay na advisory, sinabi ng Petron Corp., Seaoil Philippines Corp., at Shell Pilipinas Corp. na itinaas nila ang presyo ng gasolina ng P2.21 kada litro at diesel ng P2.66 kada litro. Ibinaba naman ang presyo ng kerosene ng P3.53 kada litro.

Ipinatupad ang adjustments umaga nitong Martes.

Ipatutupad din ng Cleanfuel at Unioil Petroleum Philippines Inc. ang parehong adjustments, maliban sa kerosene na hindi nila ibinebenta.

Nauna nang sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na posibleng tumaas ang pump prices ngayong linggo dahil sa depreciation ng Philippine peso. Tumama ang piso sa record intraday low na P61.75:$1 noong Huwebes at nagsara sa record low na P61.567:$1 noong nakaraang Miyerkules.

Batay sa datos ng Department of Energy na inilabas nitong Lunes, may average fuel inventory ang bansa na sapat para sa 53.71 araw. Kabilang dito ang gasoline na 52.64 days, diesel na 54.58 days, kerosene na 166.67 days, jet fuel na 71.14 days, fuel oil na 62.69 days, at liquefied petroleum gas o LPG na 40.46 days.

Noong nakaraang linggo, nagtaas ang fuel firms ng gasolina ng P0.53 kada litro. Ibinaba naman ang diesel ng P12.94 kada litro at kerosene ng P15.71 kada litro. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles