Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Forbes Park pinasok ng ‘akyat-bahay,’ 76-anyos ninakawan

Pinasok ng umano’y akyat-bahay ang bahay ng isang 76-anyos na babae sa Forbes Park, Makati City matapos umakyat umano sa perimeter fence ng exclusive village at dumaan sa kitchen window madaling araw ng September 24.

Tinutugis ng pulisya ang 25-anyos na pedicab driver mula Taguig na itinuturong suspek sa pagnanakaw at iniuugnay ng investigators sa iba pang house-breaking incidents sa high-end villages sa Makati.

Bandang 1:02 a.m. nang magising ang homeowner matapos makarinig ng ingay mula sa kuwarto ng kanyang apo. Nadatnan umano niya ang isang estranghero sa loob ng bahay.

Inilarawan ang suspek na nasa 5-foot-8, maikli at kulot ang buhok, muscular ang pangangatawan at may kapansin-pansing tattoo malapit sa kanang mata.

Tumakas umano ang lalaki sa kitchen window.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), natangay ang P50,000 cash at P40,000 na alahas.

Dahil walang CCTV sa mismong bahay, sinuri ng investigators ang security cameras sa village.

Nakita umano sa footage ang isang lalaki na umaakyat sa perimeter fence sa EDSA bago ang insidente. Matapos ang pagnanakaw, nakita rin umano itong tumatakas patungo sa Ayala Avenue at McKinley Avenue.

Nakakuha rin ang investigators ng fingerprints sa kitchen window.

Batay sa imbestigasyon, kinilala umano ng homeowner ang 25-anyos na suspek mula sa police photos, kabilang ang kapansin-pansing tattoo malapit sa kanang mata. Iniugnay din ng pulisya ang lalaki sa grupong sinasabing sangkot sa house-breaking incidents sa high-end villages sa Makati.

Iniimbestigahan din ng PNP kung paano nakapasok ang suspek sa mahigpit na binabantayang subdivision.

“We do not provide exclusive security services to these villages, which opt to have their own private security to guard their residences,” sabi ni PNP spokesperson Col. Allen Rae Co.

Nakikipag-ugnayan ang pulisya sa private security ng Forbes Park para repasuhin ang security arrangements habang patuloy ang pagtugis sa suspek. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles