Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

FedEx nagpasalamat kay Marcos sa suporta sa investments sa Pilipinas

Pinasalamatan ng global logistics giant na FedEx Corporation si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa suporta ng pamahalaan sa pagpapalawak ng operasyon nito sa Pilipinas, kung saan mayroon na itong halos 40 flights kada linggo.

Sa kanilang pagpupulong sa Singapore kasabay ng Forbes Global CEO Conference, pinuri ni FedEx Airline and International President at CEO Richard W. Smith ang business environment ng bansa.

“The Philippines is doing everything right,” ani Smith.

Tinalakay rin ang pagpapalawak ng operasyon ng FedEx at ang potensyal ng Pilipinas bilang regional logistics hub.

May dalawang pangunahing pasilidad ang kumpanya sa bansa: ang Clark Gateway Hub sa Pampanga at Manila Gateway sa Ninoy Aquino International Airport.

Binuksan noong 2021 ang 17,000-square-meter Clark Gateway Hub, na kasalukuyang pinalalawak sa mahigit 78,000 square meters.

Target matapos ang expansion sa ikaapat na quarter ng 2028 para mapabilis ang cargo processing, madagdagan ang handling capacity at palakasin ang cold-chain services para sa high-value exports.

Inaasahang makikinabang din dito ang mga micro, small and medium enterprises na nagluluwas ng produkto sa international markets.

Ayon kay Smith, posibleng kailanganin pang palawakin muli ang Clark facility kung magpapatuloy ang paglago ng operasyon.

May Asia Pacific Trade Facilitation Center din ang FedEx sa Clark para sa customs documentation at trade-related services.

Nauna nang nakipagpulong si Marcos sa FedEx executives noong November 2023 sa San Francisco para talakayin ang $180-million Clark expansion project. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles