Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ex-President Duterte hindi haharap sa ICC ruling, nag-waive ng pagdalo sa April 22

Hindi na haharap sa korte si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa inaabangang ruling ng International Criminal Court (ICC) Appeals Chamber sa April 22, matapos siyang magsumite ng pormal na waiver para sa kanyang pagdalo.

Batay sa dokumento na inilabas ng ICC, sinabi ni Duterte na nauunawaan niya ang kanyang karapatan na humarap sa pagdinig at ang mga magiging epekto ng kanyang desisyon na hindi pagdalo.

Ang pagdinig sa April 22 sa The Hague ay magtatakda kung tuluyan nang uusad ang kaso ni Duterte sa full trial stage. Nauna nang isinagawa ang confirmation of charges hearing noong Pebrero 2026, na naganap din sa kawalan ni Duterte matapos payagan ng korte ang kanyang waiver.  

Sa ilalim ng proseso ng ICC, kapag kinumpirma ng korte na may sapat na ebidensya, ililipat ang kaso sa trial chamber para sa ganap na paglilitis. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles