Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Elijah Canlas, “the love will always be there, and she’s a great, great person”

Hindi na nga naiwasan ni Elijah Canlas ang sumagot sa maugong na balita ng paghihiwalay nila ng dati niyang girlfriend na si Miles Ocampo.

Ayaw na daw talaga sana niyang magsalita pa dahil nagkaroon naman sila ng maayos na paghihiwalay, pero para nga daw matigil na ang mga espekulasyon at pagdamay pa sa ibang pangalan na wala namang kinalaman, ‘he is telling his story.’

Pahayag ng aktor: “As much as I’ve been trying to keep it private, siyempre I’m going through it, pero dahil nga lumalabas na siya, I think it’s time for me to say, opo, totoo siya [na hiwalay na kami].”

Elijah at Miles on their happier days, will remain friends… kuha sa FB

Sa araw-araw na napapanood si Miles sa Eat Bulaga bilang isa sa mga masayahin at kuwelang Dabarkads, talaga daw hindi mababanaag dito ang anumang ‘pain o hurting’ man lang ito sa hiwalayan kay Elijah.

Subalit sinabi ng magaling na aktor na alam din niyang gaya niya ay “hurting” din ang dating nobya.  Natural lang daw sa kanila ang magpakita ng propesyonalismo sa harap at gitna ng trabaho nila.

Nagkahiwalay man daw sila bilang magkasintahan subalit hindi naman daw naaapektuhan ang pagiging magkakaibigan ng kanilang mga friends, family members at iba pang nakasama nila sa loob ng ilang taon din nilang bf-gf status.

At dahil kapwa pa sila “healing” sa ngayon, tila hindi pa daw niya masabi kung kailan muling mabubuksan ang pinto nila to being good friends again kahit pa nga may mga tao sa paligid nila na kapwa sila sinusuportahan at nirerespeto sa naging desisyon nilang maghiwalay.

“I’d be open to it (being good friends), of course. The love will always be there, and she’s a great, great person, and I love that. Iba pa yung panahon ngayon. We need to heal, ” sagot ni Elijah kung pwede pa rin silang maging good friends.

Although this time nga daw sa naging hiwalayan nila ay higit itong masakit dahil ito na ang kanilang ikalawang pagkakataon na nagkahiwalay at tila papunta na sa pagiging “final.”

“Out of respect for Miles, siyempre I will always have love for her; kailangan sabihin na lang din para wala nang speculations na mas magpapalala pa sa pinagdadaanan namin,” saad pa ni Elijah.

Naging mas masakit ang nasabing hiwalayan dahil ayon kay Elijah ay umasa na raw silang sila na ang magkakatuluyan matapos nilang muling magkabalikan.

Paliwanag pa ng aktor, “binigay namin ang lahat. We broke up mutually and very amicably. Walang hate, at least on my part. Masakit yung ganung klase na mutual, yung wala namang problema pero na-realize ninyo lang na baka hindi na talaga match.”

“I don’t want to get into the full details, out of respect for her and our relationship. Pero ayun po yung totoo. It was a mutual decision. It wasn’t just me; it was her also. Doon na kami sa point na noong nag-decide kami, umiiyak lang kami and said thank you to each other for the past five years na mga pinagdaanan namin,” sambit pa nito.

Pinabulaanan din ni Elijah ang mga tsismis na mayroong third party involved kaya sila naghiwalay.

Pagsisiguro pa nito, “habang buhay ko naman siyang mamahalin. Habang buhay ko siyang rerespetuhin, kaya hindi ko na para guluhin yung mga napagdesisyunan namin.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles