Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Elijah Canlas, “I’m not in my happiest moment”

Iyan ang bahagi ng rebelasyon ng mahusay at guwapong aktor na si Elijah Canlas, matapos lumabas sa mga showbiz pages at blogs ang diumanoý ‘break-up nila ng kanyang girlfriend na si Miles Ocampo.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nabalitang nag-break na ang dalawang magkasintahan pero tila this time ay mas seryoso na ito at mukhang may bahid na ng katotohanan.

Sa isang kaugnay na interview kung saan nagpu-promote ng kanyang latest movie project ang magaling na aktor, hindi nito naiwasang sumagot sa mga tanong kaugnay ng kanyang personal na buhay.

Sa simpleng pakiusap ni Elijah, makabuluhan lang ang sagot niya sa tanong na hindi umano o wala umano siya ngayon sa kanyang pinaka-masayang moment.

“I’m not in my happiest moment,” sey Elijah who’s celebrating his 26th bday on Aug 16, kuha sa FB

“Not really, but it’s okay, kasi busy sa work. It’s hard to ignore those blessings. Spending time with the family, of course, pero it’s not the happiest moment of my life,” sambit nito.

Dagdag pa niya, “life, you know, I’m really going through it, but just living life and focusing on work and focusing on the people around us.”

Trabaho daw ang pinagkukunan niya ng kanyang pokus at lakas sa ngayon.

Elijah at John Arcilla sa upcoming movie na “HB2ME” kuha sa FB

Bukod sa mga natapos na niyang projects kasama ang mga TV commitments, tumutulong nga siya sa promo ng Veronica Velasco opus na “HB2ME,” kung saan kasama niya ang award-winning actor na si John Arcilla. Isa itong action-comedy and suspense film, written and directed by Veronica Velasco, na showing na sa mga cinemas nationwide on August 19.

Meanwhile, malamang na natuloy na sa bansang Finland ang aktor para sa isang pelikula under MavX Productions na kanyang gagawin doon.

Malamang daw na doon na rin niya ipagdiwang ang kanyang ika-26 na birthday (August 16).

“Wala pang advanced celebration. Maybe pagbalik, kasi puro trabaho,” dugtong pa ni Elijah.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles