Umangat sa 8-1 ang rekord ni Alexandra “Alex” Eala sa North American hardcourt matapos umabante sa round of 32 ng Cincinnati Open nitong madaling-araw ng Linggo (oras sa Pilipinas).
Matapos ang pagkaantala ng mga isang oras dahil sa ulan, hindi na bumalik sa Lindner Family Tennis Center si Elena-Gabriela Ruse ng Romania dahil sa injury.
Lamang ang No. 17 seed na Pilipina, 6-1, 3-0, nang ipatigil ang laro.
“I think that I was playing well, I think I felt the ball good, was really focused and tried to keep myself in the zone. I think I did a good job of that,” sinabi ni Eala sa media.
“Of course, nobody likes to finish a match with a retirement. First and foremost, I just want to wish Gabriela-Rusea speedy recovery. Injuries aren’t fun, so I hope she recovers soon.”
Nakuha ni Eala ang kanyang unang WTA (Women’s Tennis Association) singles title sa Washington bago umabot sa fourth round ng National Bank Open sa Toronto.
Ito ang kanyang unang panalo sa unang sabak sa Cincinnati.
Inaasahan din na aakyat siya ng tatlong puwesto at makakamit ang pinakamataas na career ranking na No. 17 sa darating na linggo.
“I do think that my days have gotten a little more packed with the commitments and spending time with you guys, but obviously in a very good way, and I’m enjoying it a lot,” sinabi ni Eala tungkol sa kanyang naging takbo sa mga nakalipas na linggo.
“I think it’s a good sign, and it’s helping me become, I guess, a stronger player and be more kind of established on tour.”
Susunod na makakaharap ni Eala ang No. 9 seed na Amerikanang si Amanda Anisimova, na tinalo ang Turkish player na si Zeynep Sonmez, 6-2, 6-3.
Kilalang matalik na magkaibigan sina Eala at Sonmez.
Samantalo, umabot na sa 13 ang sunod-sunod na pagkatalo ni Venus Williams. Tinalo siya ni Emiliana Arango ng Colombia, 6-2, 6-2, sa first round.
Nakatanggap ang pitong beses na major champion na Amerkana ng wild-card entry sa WTA 1000 event. Hindi pa siya nananalo sa singles mula noong Hulyo 2025.
Si Arango, isang 25-anyos na qualifier at No. 95 sa ranking, ay kinailangan ng 65 minuto upang talunin si Williams, edad 46, sa grandstand court.
Na-break ang serve ni Williams sa unang game ng laban at nahirapan na sa buong laro.


