Pasok na sa quarterfinals ng Birmingham Classic si Alex Eala ng Pilipinas matapos talunin si si Alina Charaeva ng Russia, 6-2, 7-5, Huwebes ng gabi (PH time) sa United Kingdom.
Nakabawi mula sa 2-5 sa ikalawang set ang world No. 37 upang umabante kontra Mananchaya Sawangkaew ng Thailand.
Kontrolado ni Eala ang unang set matapos niyang mabasag agad ang serbisyo ni Charaeva na nakagawa ng dalawang double fault sa unang laro.
Nakapuntos si Charaeva upang gawing 1-4 ang laban, ngunit nanatiling matatag si Eala sa kanyang serbisyo upang kunin ang unang set.
Mas agresibo si Charaeva sa ikalawang set at agad umangat, 5-2.
Nanalo ng dalawang sunod si Eala upang makadikit sa 4-5, bago nagwagi sa lima sa huling pitong laro.
“I think I was pleased with my attitude [today], ” ani Eala na top seed ng torneo.
“I was in a tough spot in the second set and I’m proud I stayed in there, giving myself another chance to do better tomorrow (Friday).”
Unang nanalo si Eala laban kay Priscilla Hon ng Australia, 6-0, 6-2.
Si Sawangkaew ang tinalo ni Eala noong Disyembre 2025 para sa ginto sa Thailand Southeast Asian Games.
Naka-usad si world No. 173 Sawangkaew nang talunin si Kayla Day ng Amerika, 6-4, 6-1.


