Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

DOTr: 4.4M pasahero, naserbisyuhan ng service contracting program

Umabot na sa higit 4.4 milyong pasahero sa buong bansa ang naserbisyuhan ng service contracting program ng pamahalaan, ayon sa Department of Transportation (DOTr), sa gitna ng pagpapatupad ng iba’t ibang subsidy at fare relief measures para maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng krudo.

Sa pagdinig ng Senate Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy Committee, sinabi ni DOTr Undersecretary Mark Steven Pastor na nasa 12,119 public utility vehicle units na ang kasalukuyang tumatakbo sa ilalim ng programa sa 598 ruta sa buong bansa.

Ayon kay Pastor, nakakatulong ang programa para mapanatili ang biyahe ng mga pasahero habang nadadagdagan ang kita ng mga driver.

Kasabay nito, binanggit din niya ang mga diskwento sa pamasahe sa rail sector, kung saan mahigit 17.5 milyong pasahero na ang nakinabang sa 50 porsiyentong bawas-pasahe sa MRT-3 at LRT-2 hanggang April 26.

Pinalalawak din ng pamahalaan ang mga libreng sakay, kung saan umabot na sa 55,872 commuters ang naserbisyuhan ng Libre Sakay program hanggang April 27, sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Iniulat din ni Pastor na halos P60 milyon na ang naibalik na toll rebates sa mga kwalipikadong PUV operators, na sumasaklaw sa mahigit 92,000 benepisyaryo.

“These interventions are meant to support both commuters and operators by reducing daily transport costs while ensuring continuous service across key routes,” ani Pastor.

Dagdag pa niya, nagpapatuloy ang DOTr sa pagpapatupad ng multi-layered approach na pinagsasama ang direct subsidies, fare discounts, at operational support para mapanatiling abot-kaya at tuloy-tuloy ang serbisyo sa transportasyon. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles