Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

DOE: Presyo ng langis halo ang galaw ngayong linggo

Posibleng magkahalo ang galaw ng presyo ng langis ngayong linggo, ayon sa Department of Energy (DOE), matapos ang malalaking rollback na ipinatupad noong nakaraang linggo.

Batay sa pinakahuling DOE guidelines para sa week starting June 29, maaaring bumaba ng P0.10 kada litro o tumaas hanggang P1.90 kada litro ang presyo ng gasolina.

Sa diesel, posibleng bumaba ng P1.16 kada litro o tumaas hanggang P0.84 kada litro. Sa kerosene, maaaring bumaba ng P0.78 kada litro o tumaas hanggang P1.22 kada litro.

Noong nakaraang linggo, mas malalim ang price cuts. Bumaba ang gasolina ng P3.90 hanggang P5.90 kada litro, habang malaki rin ang bawas sa diesel at kerosene.

Wala pang fuel companies na naglalabas ng official price adjustments para sa kasalukuyang linggo as of posting.

As of June 26, nasa average na P72.00 kada litro ang RON 91 gasoline sa National Capital Region (NCR), P69.10 kada litro ang diesel, at P97.50 kada litro ang kerosene.

Sa supply front, tinatayang tatagal ng 41.16 days ang total national fuel supply, bahagyang mas mababa sa 43.86 days noong June 19.

Bumaba ang gasoline supply sa 42.19 days mula 43.75 days, habang ang diesel supply ay bumaba sa 37.66 days mula 40.42 days.

Tumaas naman ang kerosene supply sa 212.41 days mula 128.96 days, at umakyat din ang jet fuel inventory sa 70.83 days mula 68.30 days.

Bumaba ang fuel oil supply sa 27.87 days mula 38.21 days, habang ang liquefied petroleum gas (LPG) supply ay bumaba sa 35.75 days mula 42.86 days.

Ayon kay DOE Undersecretary Alessandro Sales, ipinapakita ng kasalukuyang supply levels ang stable global market conditions na sumusuporta sa price stability.

Paliwanag niya, ang bahagyang pagbaba sa inventory ay nagpapakita ng expectation ng industry na mas mabagal ang pagbaba ng presyo, kaya ipinagpapaliban ng mga kumpanya ang fuel replenishment.

Dagdag ng DOE, patuloy nitong imo-monitor ang sitwasyon at handa itong kumilos kung kailangan ng intervention. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles