Sa gitna nga ng mga alingasngas hinggil sa naging panayam kay direk Joey Reyes on the state of Philippine Cinema, isa pang batikang writer-director ang pinag-uusapan sa showbiz.
Sa ongoing Cinemalaya festival kung saan may mga local movies na nakikipag-banggaan sa malalaking hollywood films gaya ng Odyssey at SpiderMan, marami ding mga pinoy ang tumatangkilik at nag-eenjoy sa mga entries dito.
Isa na nga dito ang batikang manunulat-direktor na si Antoinette Jadaone, na nakilala sa mga award-winning at box-office hit movies gaya ng That Thing Called Tadhana, Beauty in A Bottle, I Love You to the Moon and Back, Fan Girl, Uninvited (with partner direk Dan Villegas), Sunshine, among others.
Tila hindi na nakatiis ang magaling na-director nang sa panonood nito sa isang sinehan ay may naranasan itong hindi maganda.
Sa post nito sa kanyang socmed na FB ay nagpahayag ito ng kanyang saloobin hinggil sa kultura ng mga pinoy kapag nasa loob ng sinehan o nanonood ng mga pelikula.
Sambit nito sa kanyang post, “tandaan po natin, opo, may tinatawag tayong cinema etiquette kasi: 1. movie ticket lang ang nabili natin, hindi buong sinehan, opo..2. Sinehan po ito hindi sala. 3. Eh kung yung upuan kaya ang sipa-sipain ko???”
Mabilis na pinag-usapan,ni-repost ng ilang celebrities at movie fans ang naturang post sa ibang socmed platforms kaya agad din itong nag-viral.
Marami ang sumang-ayon at naka-relate sa naranasan ng mahusay na direktor at nag-komento silang may problema at mali nga sa ugali ng mga pinoy kapag nasa loob ng sinehan.
Sey ng ilang netizen, “Most Pinoys have selective discipline Pag nasa sariling bansa parang optional ang basic etiquette – sa cinema, theater, arenas, you name it. Pero pag nasa abroad, biglang model citizen: tahimik, disciplined at marunong sumunod sa rules.”
Meron nga akong nakasabay na kups un mga paa niya tinaas talaga sa silya sa tabi ko. Kulang na lang itabi un paa niya sa mukha ko. Grabe bad trip. Kaya yoko na manood ng sine. Netflix and chill na lang. May subtitles pa at pwedeng irewind. Basta malaki ang screen, maganda ang sound bar, malamig ang kwarto at maraming pagkain. Kaya nga 7 years na akong may Netflix eh hahahahaha.” pahayag naman ng iba.
Hirit pa ng ilan, “Dami rin umuubo na hindi cino-cover ang mouth. May mga umuutot pa, Kakadiri.”
“To each his own. Siguro applicable yan sa mga teens. Ganyan ako nung 25 below LoL punta concert. Punta sine. Ngayon ayoko na. Ayoko na ng large crowd at maingay. Nung nanood ako concert last time parang nagkakaubusan na ng oxygen. At di ko maappreciate ang concert pag malayo. Gusto ko malapit. Pag malapit naman nakakabingi. Sa sine naman gusto ko un malayo at walang mga bwisit. Kaso madalas may mga bwisit like umiiyak na bata, magbabarkadang maiingay at nagcecelfone at laptop sa sinehan at mga di sumusunod sa seating arrangement kaya tayo ng tayo. In short, mga barubal o barbaric na mga utaw sa sinehan,” komento pa ng iba.
Sigaw naman ng ilan, “Like I said before, class A people has a different mindset than class B people and class B people has a different mindset than class C people 😀 😀 😀 Like mixing oil and water 😉 😉 ;)”
At korus ng marami, “Pilipino walang etiquette sa maraming maraming bagay. Di alam ang basic courtesy, walang pakielam sa surroundings basta sarili nila ok. Palagi pa nakikipagunahan sa kahit saan parang laging mauubusan+, maiiwan. Di alam rumespeto ng personal space ng iba
“Ang hilig pa magusap ng malakas sa sinehan na akala mo nasa bahay”
“I agree. The other night, we watched Spiderman. Yun kalikod namin, Indians, naninipa ng likod ng seats, ang iingay, nagkukwentuhanuhan, tapos lakas humikab! Akala mo nasa sariling mga bahay.”
Meanwhile, may mga theater owners at grupo ng mga film exhibitors naman na tila tinamaan sa naturang viral post at tila may binubuo daw na plano kung paano itong i-address lalo’t ang estado nga ng local films sa ngayon ay matatawag na ‘patay na’ kumpara sa mga hollywood movies na tumatabo ng bilyones sa takilya.


