Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

DigiPlus umatras sa New Zealand online gaming license bid

Umatras ang DigiPlus Interactive Corp. sa final bidding rounds para sa online gaming license sa New Zealand matapos suriin ang mga kondisyon at oportunidad sa merkado.

Ayon sa kumpanya nitong Miyerkules, October 14, hindi maaapektuhan ng desisyon ang kasalukuyang operasyon at international expansion plans nito.

Mas pagtutuunan ngayon ng DigiPlus ang South Africa, kung saan mayroon na itong lisensiya mula sa Western Cape Gambling and Racing Board.

Nahaharap naman sa regulatory uncertainty ang expansion nito sa Brazil matapos maglabas si President Luiz Inácio Lula da Silva ng provisional measure na nagbabawal sa online gaming at fixed-odds betting.

Sa unang kalahati ng 2026, tumaas ng 16 porsiyento ang total income ng DigiPlus sa P9.8 bilyon, bagaman bumaba ang revenues sa P32.85 bilyon mula P47.77 bilyon noong nakaraang taon.

Nanatili naman sa P5.52 bilyon ang net gaming revenue after tax kumpara sa nakaraang quarter.

Simula ngayong quarter, gagamitin umano ng kumpanya ang net gaming revenue after tax, kasama ang bilang ng users at active bettors, bilang pangunahing sukatan ng performance upang iayon ang financial reporting sa international gaming standards. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles