Lumutang ang pangalan ng award-winning hunk actor na si Derek Ramsay nang mismong ang tanggapan ng Land Transportation Office ang naglabas ng ‘summon’ sa aktor dahil umano sa paggamit nito ng ‘fake license plate’ sa minamaneho nitong Porsche supercar, sa pampublikong mga kalsada.
Ayon sa mga ulat na lumabas noong Biyernes, August 14, “the LTO said it has verified that the license plates on the supercar, defined as a high-performance and street-legal sports car, featured an alphanumeric combination that is different from the original plate number.”
Dahil dito ay inutusan ng LTO si Ramsey at ang nagmamaneho ng sasakyan na mag report sa tanggapan ng LTO intelligence and investigation division at magbigay ng kaukulang paliwanag tungkol sa naturang license plate ng super car at magpaliwanag din kung bakit hindi kailangang suspendihin o i-revoke ang kanilang mga driver’s license.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay may nakapagsabing nagpunta na sa tanggapan ng naturang ahensya ang aktor at kanyang driver subalit wala pang malinaw na ulat kung ano ang kinahinatnan ng ni-require na order na gawin nina Ramsay at driver.
Kasalukuyan pa din umanong nakalagay sa “alarm status” ang Porsche 918 Spyder supercar na undisclosed pa din hanggang sa ngayon kung kanino ito nabili ng aktor.
Mayroon pa din umanong standing order ang LTO na Law Enforcement Service na isailalim sa “impound status” ang naturang supercar na milyones nga ang tinatayang halaga.
Nanindigan din ang parehong ahensya sa pagsasabing wala umanong VIP o mga VIPs pagdating sa law enforcement kahit sino pa ang nakagawa ng violation sa itinakdang batas o patakaran.
Saad pa ni LTO chief Markus Lacanilao, “There is no favoritism, no excuses and no exemptions. The LTO does not tolerate the use of fake license plates or the evasion of mandatory obligations.”
Ayon pa sa LTO chief, kahit ang mataas na estado ng violator o milyones na halaga ng sasakyan ay hindi sapat na gawing basehan upang maiwasan o iwasan ang mga reglamentong itinakda ng batas.
Tahimik pa rin hanggang sa kasalukuyan ang panig ng aktor at wala itong anumang opisyal na pahayag na inilalabas.


