Sa pagsabog at pagsanga-sanga ng mga usapin hinggil sa pinag-uusapan pa ding interview ni Patrick Garcia na bigla ngang naging matunog ang pangalan despite his long absence in showbiz, sumulpot sa online world ang mga showbiz fathers dapat tularan at mga dapat umanong itakwil.
Nangunguna na nga diyan si Dennis Trillo na hinangaan ng marami kung paano nitong naipakita ang klase ng pagiging ama niya sa mga anak nila ni Jennylyn Mercado kahit pa nga kapwa sila may mga anak na sa mga previous nilang naka-relasyon.
Si Dennis daw ngayon ang pamantayan ng pagiging isang marangal na tatay dahil handa nitong ipaglaban ang kapakanan at seguridad ng mga anak sa lahat ng mga kumakalaban sa mga ito, cited as example ang battle nito sa sinabi ni Patrick Garcia.

At dahil mayroon ding anak si Kris Lawrence kay Katrina Halili na mayroong special condition, napuri din ang RnB singer sa pagiging hands on daddy nito kahit pa nga nagkahiwalay na sila ni Katrina though ang latest na tsika ay tila mabibigyan ng another chance ang kanilang pagsasama.
Binanggit din si Jake Ejercito na since day one daw ay hindi iniwan o inabandona ang anak nito kay Andi Eigenmann na masaya nang namumuhay sa Siargao, kasama ang bago nitong asawa at kanilang mga anak.
Puring-puri din ng marami si John Lloyd Cruz na may anak naman kay Ellen Adarna. Wala ka daw masasabi sa kung paanong kahit medyo may topak umano si Ellen base sa imahe nito sa socmed, ay waa daw itong masamang sinasabi laban kay LLoydie. Pagpapatunay daw kung paano nitong bonggang nagagampanan ang mga obligasyon nito sa anak.
Ang mga pangalan naman nina Patrick Garcia, Derek Ramsay, Paolo Contis, Dennis Padilla at Archie Alemania, ang mga nanguna namang showbiz fathers na kabaligtaran umano ng mga naunang pinuri dahil sa pagiging ideal daddies ng mga inilarawan sa itaas.


