Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Day 2 ng INC rally sa EDSA: Crowd nasa 4,500, malayo sa 100,000 target

Nasa 4,500 rallyists ang naitala ng Philippine National Police (PNP) sa ikalawang araw ng Iglesia ni Cristo (INC) rally sa EDSA People Power Monument dakong 2 p.m. nitong Miyerkules, July 1.

Mas mababa ito kesa sa nasa 14,000 members ng religious group na naitala ng pulisya noong Martes, at malayo sa 100,000 attendees na inaasahan umano ng organizers para sa Day 2.

Mas maaga nitong Miyerkules, umabot sa 5,000 ang crowd as of 7 a.m., batay sa Quezon City Police District (QCPD). Pagsapit ng 11 a.m., nasa 4,000 individuals na ang estimated crowd sa lugar.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Anthony Aberin, nasa 7,000 police personnel ang ikinalat sa Metro Manila para bantayan ang mga key areas, kabilang ang Malacañang, Office of the Ombudsman, at People Power Monument. Halos 3,000 pulis ang nakatalaga sa rally site.

Mas maayos na raw ang ikalawang araw ng kilos-protesta dahil may rally permit na at sumusunod ang organizers sa mga kundisyon nito.

“Because of the issuance of the permit, talagang in-invoke natin na dapat yung pre-conditions na nakalagay po doon, yung mga tagubilin o kundisyon dapat masunod. So doon po nagkatalo. Kahapon kasi wala pong permit na na-issue. But we have observed maximum tolerance,” sabi ni Aberin.

Noong Martes, biglaang dumagsa sa People Power Monument ang libo-libong demonstrators bago magbukang-liwayway matapos ihayag ng Ombudsman na sasampahan ng plunder charges si Sen. Rodante Marcoleta. Nagdulot ng matinding trapik ang crowd at mga sasakyang ginamit ng protesters.

Pinayagan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang grupo na magsagawa ng isa pang araw ng protesta mula 8 a.m. hanggang 8 p.m. nitong Miyerkules bilang suporta kay Marcoleta. May unconfirmed information din na naghahanap ang grupo ng extension hanggang Biyernes, July 3.

Ayon kay Aberin, inaasahang susunod ang organizers at participants sa mga kundisyong nakasaad sa permit.

“Dapat may order po, then panatilihin po yung disiplina — yung sa mga basura, parking places po, lahat,” sabi niya.

Ipinaliwanag din ni Aberin kung bakit hindi dinisperse ng pulisya ang crowd noong Martes kahit walang permit ang gathering.

“Kahapon po ay walang permit, basically pag walang permit dapat dinidisperse po iyan, okay. But seeing the condition kahapon, with our sheer number and with their number, we cannot do that. Ang kahihinatnan lang po ay kaguluhan at saka sugat sa pisikal nating katawan so we have observed maximum tolerance,” sabi niya.

Itinanggi rin ni Aberin na nagkaroon ng intelligence failure ang pulisya.

“We have monitored already that this thing will happen. The only problem is hindi natin ma-pinpoint yung exact day, just the same before the rally bago sila nagpunta rito nakapag-deploy na tayo. The only problem is di natin inexpect na ganun karami yung ano, with that time ng 3 a.m. po. Definitely there was no failure of intelligence,” sabi niya.

Dahil mapayapa ang ikalawang araw ng rally, sinabi ni Aberin na hindi niya inaasahang may maaaresto.

“I don’t think so na magkakaroon po ng arestuhan ngayon as you can observe maayos naman po,” sabi niya.

Dagdag ng National Capital Region Police Office chief, handa ang pulisya kung tatagal pa ang protesta, kahit umabot pa ng ilang buwan kung kinakailangan. As of posting, wala pang naitalang untoward incident ang NCRPO kaugnay ng rally. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles