Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Dating Beauty-Queen Actress, ginawang negosyo nga ba ang mga anak?

Nakilala noong 90’s ang isang beauty queen actress hindi lang dahil sa kanyang kagandahan kundi dahil sa pagiging outspoken niya sa mga bagay-bagay lalo na sa usapin sa pulitika.

Hindi na siya aktibo ngayon sa showbiz pero nakapag-establish naman daw ng maganda at marangyang buhay si beauty queen actress.

At dahil tila pinaninindigan daw nito ang pagkakaroon ng isang international beauty title, hindi rin kataka-takang magkaroon siya ng iba’t-ibang “lahi” bilang ama ng kanyang mga anak.

Until very recently nga ay may kumalat na tsika na diumano’y ang isa sa kanyang magagandang anak ay karelasyon na daw ngayon ng isang “bilyonaryo” na nasa larangan naman ng pagmimina at energy ang mga negosyo?

Ang tsika pa, minsan na din umanong nakaka-date ni beauty queen actress ang ngayo’y nasa 80’s na na negosyante lalo na noong kasagsagan daw ng kagandahan ni beauty queen actress at pagiging palaban nito sa mga isyu sa gobyerno.

Subalit mayroon daw mga pangyayari na nagpabago sa lahat kasama ang pagiging “palaban” ni beauty queen.

Naghalo-halong mga usapin sa depresyon, lack of self-esteem, at kawalan ng sapat na income at paiba-ibang karelasyon ang nagpabago sa prinsipyo at paniniwala ni beauty queen actress.

Sa ngayon ay nasa early  60’s na rin si beauty queen actress at dahil sa mahilig na ito sa magarbong buhay, kahit daw living alone na ito sa dami ng kanyang mga anak sa iba’t ibang lahi, hindi pa rin daw ito tumitigil sa kalilibot sa buong mundo at nagpapakasaya.

Wala naman umanong mali sa ganung choice of living subalit marami nga ang nagugulantang na ang isa sa mga magaganda niyang anak ay karelasyon na nga ng minsan ding naging bahagi ng kanyang buhay.

“All for money, ” ang komento ng maraming nakakakilala sa beauty queen.

Ang diumanoý magandang anak ni beauty queen ay anak daw nito sa isang banyaga na isang Muslim at aprubado ang pagkakaroon ng “multiple” partners or wives.  

Ang naturang Muslim father na nakarelasyon ni beauty queen actress ay minsan na ding  naging kontrobersyal sa pinoy showbiz dahil sa noo’y napapabalitang “maltreatment” nito sa beauty queen actress.

Sa mga nagtatanong kung ilan nga ba ang mga naging anak ni beauty queen actress sa iba’t-ibang lahi ay baka daw magulat na mayroon pala itong pitong mga anak.

Lima daw dito ay mga babae na pawang magkakaiba ang ganda at balitang “inilalagay” ni beauty queen sa magandang posisyon sa buhay sa pamamagitan ng pagpapakilala sa mga ito sa lalaking sa tingin niya ay gagawin talagang :”reyna”ang mga ito, at siya bilang “empress.”

Iisa na lang daw ang natitirang lalaking anak nito dahil namatay na daw ang isa sa mga ito na nagdulot noon ng matinding depresyon kay beauty queen actress.

Ang tila motto nga daw ni beauty queen actress sa buhay ay “live to the fullest,” kahit pa daw at the expense of her daughters.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles