Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Daniel Padilla, pinalagan ang isang online tabloid

Sa mga nakakakilala kay Daniel Padilla kung paano itong magsalita at mag-react sa mga negatibong balita sa kanya, ramdam na ramdam daw dito ang matinding galit sa naging resbak nito sa isang online tabloid.

“Mga g*go pala kayo dyan e!”, ang malutong na reply post ng aktor laban sa sa media outlet na Abante na tinawag siyang ‘delulu’ nang dahil sa kanyang socmed post.

Ang naturang socmed post ni Daniel ay nagpapakita ng mga magagandang lugar sa bansa kung saan nilagyan niya ang mga ito ng caption na kung maayos lang umano ang pamamalakad at mga sistemang pinaiiral sa bansa ay may pag-asa pang masagip o maiwasan ang madalas na pangit na epekto ng mga ulan at baha o ni Habagat. 

BInanggit pa ni Daniel ang mga pagbabago sanang nais niyang makita o hilingin para sa Pilipinas.

Iba ang naging interpretasyon ng naturang online tabloid outlet sa naturang post ni Daniel dahil sinabi nilang tila may ilusyon ang kilalang aktor na pasukin na din ang mundo ng pulitika gaya ng kanyang mga Kapamilya, mula sa kanyang nanay na si Karla Estrada, amang si Rommel at kontrobersyal na tiyuhing si Sen. Robin Padilla.

Ang naturang tabloid online ay nagpakalat na nga ng story mula sa na-i-share ni Daniel sa Instagram story niya ng reels na umano’y AI-generated na mga nais niyang mangyari sa Pilipinas.

Nilagyan pa nila ito ng headline na “DANIEL PINAGDUDUDAHANG GUSTONG PASUKIN ANG MUNDO NG POLITIKA,” kung saan mababasa ang nakasaad na mga linya: 

“Mistulang nagdelulu si Daniel Padilla sa socmed matapos niyang sunod-sunod na i-post at i-share sa Instagram ang mga AI generated reel na nagpapakita ng mga magagandang scenario sa bansa kung maayos lang sana ang pamamalakad sa Pilipinas.”

Dahil nga diyan ay hindi na naiwasan ng aktor na mag-react at gumanting post din kasama ang screenshot na viral na ngayon sabay sabing: 

“Ginagawa ko lang ang parte ko bilang Pilipino para sa Pilipinas. Tinawag niyo pa akong delusional. Eh mga g*go pala kayo dyan e,” saad pa nito.

Agad ding sumaklolo ang nanay niyang si Karla at mariing pinanawagan ang mga salitang, “ilang pamamahayag na hindi pinag iisipan. hindi bale na maisubo sa mga ulupong ang inyong ibinabalita para mabastos. delulu? saan galing ang pahayag na yan Abante news??? . ok lang kayo?? mawalan na lang ng DANGAL pakapag post lang? Ayusin ninyo iyan.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles