Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

DA nagbuhos ng P4.3-B ayuda sa 542K benepisyaryo

Bumuhos ang P4.3 bilyong halaga ng tulong at serbisyo ng Department of Agriculture (DA) para sa 542,622 benepisyaryo sa 269 local government units (LGUs) sa ilalim ng Handog ng Pangulo 2026.

Sakop ng nationwide rollout ang suporta para sa palay, mais, high-value crops, livestock at fisheries, kasama ang mga programa sa ilalim ng KADIWA ng Pangulo at Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo.

Kasama rin sa package ang “Benteng Bigas, Meron Na!” na nagbibigay sa mga prayoridad na sektor ng access sa bigas sa halagang P20 kada kilo.

Mula sa stocks ng National Food Authority (NFA) ang murang bigas na binili mula sa mga lokal na magsasaka ng palay.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nakatutok ang ayuda sa aktuwal na pangangailangan ng agricultural sector.

“Nais naming matiyak na natatanggap ng ating mga magsasaka ang suportang kailangan nila upang makapag-ani nang higit, kumita nang higit, at magkaroon ng mas matatag na kabuhayan,” ani Tiu Laurel.

Bahagi ang P4.3 bilyong ambag ng DA sa Handog ng Pangulo 2026, na nagtapos nitong Lunes, September 14, sa pangunguna ng Office of the President bilang bahagi ng mga aktibidad kaugnay ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr

Unang inilunsad noong 2024 sa ilalim ng “Serbisyong Sapat Para sa Lahat” ang programa upang mailapit ang government services at assistance sa mga komunidad sa pamamagitan ng koordinasyon ng national agencies at local governments.

Pinagsama-sama sa P4.3 bilyong package ang ilang umiiral na programa ng DA upang maihatid sa mga magsasaka, mangingisda at iba pang benepisyaryo ang farm inputs, production support, market access at livelihood assistance.

Sa ilalim naman ng KADIWA ng Pangulo, iniuugnay ang farmers at producers sa consumers at institutional buyers, habang nakatuon ang livelihood programs para sa mga katutubo sa mga pangangailangan ng kanilang komunidad.

Para sa DA, target ng mga programa na makatulong sa pagpapataas ng farm productivity, pagpapalawak ng market access at pagpapatatag ng kita at kabuhayan ng mga benepisyaryo. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles