Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

DA chief: Sugar import, pang-stabilize lang ng presyo, merkado

Hindi pangunahing polisiya ng administrasyon ang pag-aangkat ng asukal at gagamitin lamang ito kung kinakailangan upang punan ang pansamantalang kakulangan sa suplay at mapanatiling matatag ang presyo, ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Sa kanyang talumpati sa 72nd Philippine Sugar Technologists Association Annual National Convention nitong Miyerkules, August 19, tiniyak ni Tiu Laurel na poprotektahan ng pamahalaan ang mga mamimili nang hindi isinasakripisyo ang local producers.

“Hindi polisiya ng administrasyong iang pag-aangkat ng asukal. Isa itong kasangkapan para sa pagpapatatag ng presyo at merkado na gagamitin kung kinakailangan at sa ilalim ng malinaw na mga kundisyon,” aniya.

Bumubuo na rin ang pamahalaan ng bagong polisiya para sa mga susunod na sugar importation na ihaharap muna sa industriya para sa konsultasyon.

“Sa mga susunod na importasyon, sapat lamang ang ating aangkatin para sa pangangailangan ng bansa. Hindi sobra, hindi kulang,” ani Tiu Laurel.

Layunin nitong bigyan ng pagkakataon ang local sugar industry na lumakas at maging mas competitive habang pinananatili ang sapat na suplay sa merkado.

Nahaharap umano ang sektor sa red-striped soft scale insect (RSSI), mataas na production costs, tumataas na presyo ng inputs, kakulangan sa manggagawa, limitadong access sa teknolohiya at investments, at epekto ng climate change.

Kasunod ng pagbisita ni First Lady Liza Araneta Marcos sa Negros, napagkasunduang bumuo ng National RSSI Task Force na pamumunuan ng Department of Agriculture (DA) at Sugar Regulatory Administration (SRA), katuwang ang iba pang government agencies at industry stakeholders.

“Pag-iisahin nito ang mga hakbang para mapuksa ang RSSI,” ani Tiu Laurel.

Naglaan din ang DA ng P300 milyon para sa 2027 upang makapagtayo ng mga laboratoryo o incubation center na gagawa ng biological agents sa bawat munisipalidad na may taniman ng tubo bilang paghahanda sa posibleng muling pagdami ng peste.

Iginiit ng kalihim na dapat magresulta ang technology at innovation sa mas mataas na produksiyon, mas mababang gastos at mas malaking kita.

“Hindi kailangan ng ating mga magsasaka ang teknolohiya para lamang masabing mayroon silang teknolohiya. Kailangan nila ng teknolohiyang gumagana,” aniya.

“Kailangan nating bumuo ng isang industriya na kayang paghandaan ang mga problema, mabilis na umangkop, at lalabas na mas matatag kaysa sa dati,” dagdag niya.

“Kailangan ng panahon upang magkaroon ng magandang resulta, pero alam din natin na walang anumang bagay ang nagiging matamis nang walang sipag at tiyaga,” diin ni Tiu Laurel. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles