Muling naging kampeon si Carmelle Collado sa katatapos lang na Search for EuroVision country representative para sa gaganaping EuroVision Song Contest Asia.
Ngayong November 14 na ito gagawin sa Bangkok, Thailand at sa katatapos lang search nitong Linggo, ang dating grand champion ng Tawag ng Tanghalan School division ang nahirang upang maging official country representative.
Ang EuroVision ay isang kilalang annual international television music competition na inorganisa ng European Broadcasting Union (EBU) simula pa noong 1956.
Ang bawat bansa na inimbitahang makalahok ay kailangang member ng organisasyon at kailangan itong magsumite ng one original song to represent the country at i-perform ito ng live sa television.
May voting component ito bukod sa mga uupong panel members na mga professional at nasa larangan din ng musika.
Ayon sa tradisyon nito, ang nananalong kalahok ang nagiging “host” ng susunod na event na gagawin.
First time na lalahok ang Pilipinas (via ABS-CBN na siyang nag-member sa EuroVision) sa kompetisyon at noong nakaraang Linggo nga ay pinili mula sa sampung original composers and their artists ang magiging opisyal na representative ng bansa.
Si Carmelle ang nagwagi mual sa rendition niya ng “Sobra-Sobra,” composed by Nica del Rosario and Mat Olavides.
Naging second placer naman ang Saga with the song “Broken Beyond Repair,” composed by Angelo Gonzales habang ang tandem nina JM dela Cerna. Marielle Montellano, also known as JMielle, ang naging third placer sa entry nilang “Mapadama,” composed by Jeremy Glinoga and Jungée Marcelo.
Dati ring PBB housemate si Carmelle at ginu-groom nga ng ABS-CBN Music through Polaris label upang maging isa sa mga future singing diva ng bansa. Napapanood din siya sa ASAP XP.
Ang event na ginanap sa New Frontier Theater last Sunday, August 30 ay dinagsa ng mga music lovers and enthusiasts at mga fans ng sampung singers-groups na lumahok.
Sina meme Vice Ganda, Alexa Ilacad at Darren ang nagsilbing mga hosts ng event.


