Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Caloy Yulo-Chloe San Jose, engaged na

Nine months na palang engaged sina Olympian Caloy Yulo at Chloe San Jose at ayon sa kanila, “little secret” nila ang naturang bagay.

Last December pa pala naganap ang naturang engagement at kaya nila ito kapwa napagkasunduang hindi i-share sa public ay dahil sa mga nooý nagaganap na gulo sa kanilang mga personal na buhay, lalo na yung sa “gulo” sa pamilya ni Caloy.

Subalit ngayong nabigyan uli ng gold medals ni Caloy ang bansa dahil sa kanyang pag-represent sa ongoing Asian Games sa Japan, ni-reveal nila ang tinatawag nilang “little secret.”

“I could not be prouder. Isa talaga si Chloe sa mga dahilan kung bakit nandito ako ngayon at nagtatagumpay,” saad ni Caloy sa ipinakitang reels ng kanilang proposal na ayon sa mga Marites ay inorganisa ng isang kilalang kaibigan nila.

May dalawang versions ng engagement ring na ibinigay ang Olympian medalist sa kanyang nobya na ayon sa kanya ay pinangarap na niyang makasama simula nang silaý magkakilala.

Isa palang dating fan ni Caloy si Chloe na humanga na noon sa atleta habang nagti-train ito sa Australia kung saan naman based si Chloe.

Sa pamamagitan ng social media ay nagkakilala ang dalawa at sabi nga nila, the rest is history.

Nang nasa bansa na si Chloe ay sinubukan niyang ma-engage sa entertainment sector bilang isang singer.

Under contract siya ngayon ng Star Music ng ABS-CBN bilang isa sa mga singers nila and late last 2025 lang ay ni-launch na ang kanyang single.

Samantala, sa kaugnay na mga interviews kay Caloy sa Asian Games stint niya ay ni-reveal nitong tutungo sila ng New Zealand for series of training kasama ang kapatid na si Eldrew bago lalahok sa ilan pang World Games bago mag-train uli for the Olympics.

At siyempre pa, sa naturang mga biyahe at pagtira abroad ay kasama na niya si Chloe at ayon pa sa kanila ay magkasama nilang paghahandaan ang plano nilang wedding.

Pumutok din ang balitang hindi nga iimbitahan ni Caloy ang kanyang parents sa naturang kasal dahil aniya, “gusto naming i-enjoy ang moment. That’s for us. Kung magkakaroon ng problema dahil sa pag-imbita, we’d rather not do the inviting.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles