Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

CA, ibinasura apela ni Alice Guo na makalaya sa kulungan

Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang apela ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na makalaya sa kulungan matapos kuwestiyunin ang umano’y iligal na pag-aresto sa kanya ng Bureau of Immigration (BI).

Sa desisyong may petsang October 5, iginiit ng dating First Division ng CA na hindi BI ang may hawak sa pagkakakulong ni Guo kundi ang Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 167.

Binigyang-diin ng appellate court ang “simple and inescapable fact” na si Guo “is not under detention by the BI.”

“She is detained not by virtue of any warrant or order by the BI, but by the Pasig City Regional Trial Court (Branch 167)’s joint decision,” ayon sa CA.

Dahil dito, hindi sapat na batayan para palayain si Guo ang kanyang pagtutol sa umano’y ilegal na pag-aresto ng immigration authorities.

Wala ring naipakitang paglabag sa kanyang constitutional rights na magbibigay ng dahilan para sa pagpapalaya.

“There is neither allegation nor showing that such detention violated the petitioner’s constitutional rights to speedy trial and to liberty,” dagdag ng CA.

Si Guo ay nahatulan sa kasong qualified human trafficking at kasalukuyang nakakulong sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.

Naharap din ang dating alkalde sa mga alegasyon ng pagiging Chinese spy, ngunit hiwalay ang mga ito sa kanyang conviction sa human trafficking.

Sa pagtanggi ng CA sa apela, nananatiling nakabatay sa desisyon ng Pasig court ang pagkakakulong ni Guo. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles