Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Bongga sa Asia!, “A Secret in Prague at VIBE+,” Nominated  sa ASIAN Television Awards

International recognition na naman para sa Kapatid Network!

Dalawang TV5 programs ang nakakuha ng nominations sa Asian Television Awards—ang A SECRET IN PRAGUE para sa Best Drama Series (OTT) at ang VIBE+ para sa Best Music Programme.

Patunay ito na tuloy-tuloy ang pag-level up ng TV5 sa pagbibigay ng world-class Filipino entertainment na kayang makipagsabayan sa pinakamagagandang programa sa buong Asya.

Sa ‘A Secret in Prague,’ pinagsama ang compelling Pinoy storytelling, international locations, at isang powerhouse cast para sa isang drama series na tunay na premium ang dating.

Samantala, fresh, young, at full of energy naman ang hatid ng VIBE+, na nagbibigay ng bagong platform para sa music, performances, artists, at pop culture na swak sa bagong generation ng viewers.

Mula drama hanggang music, ipinapakita ng dalawang nominations na mas lumalawak at mas nagiging exciting ang klase ng entertainment na hatid ng TV5 sa iba’t ibang platforms.

At ngayong kinikilala na rin ang mga Kapatid program sa Asian stage, isa itong proud moment hindi lang para sa TV5 kundi para sa Filipino creativity, talent, at storytelling.

World-class ang galing, proudly Pinoy ang puso. TARA sa TV5.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles