♈ ARIES (March 21–April 19) – Mag-relax at huwag piliting kontrolin ang sitwasyon dahil maaaring kailanganin mong pagbigyan ang ibang tao. Kung maging mapilit ang isang kaibigan o kasamahan sa grupo, mag-isip muna bago sumagot.
♉ TAURUS (April 20–May 20) – Marami kang lakas para tapusin ang mga gawain, pero maaaring pagdudahan mo ang sariling desisyon dahil sa kalituhan. Bantayang mabuti ang pera at mga gamit dahil may biglaang pangyayaring maaaring pabor o perhuwisyo sa iyo.
♊ GEMINI (May 21–June 20) – Masaya ang pakikisalamuha, sports at mga aktibidad kasama ang mga bata, habang umaapaw ang iyong malikhaing ideya. Maging mapagbantay upang maiwasan ang aksidente at maghanda sa biglaang pagbabago ng lakad.
♋ CANCER (June 21–July 22) – Maging mahinahon sa pamilya at huwag pilitin ang sinuman na sumang-ayon sa iyo. Maaaring masira ang maliit na gamit sa bahay, magkaroon ng munting aberya o may bisitang biglang dumating.
♌ LEO (July 23–August 22) – Mataas ang enerhiya at posible ang biglaang maikling biyahe kung saan may bagong lugar at taong makikilala. Iwasan muna ang kontrobersiyal na paksa at panatilihing magaan ang kuwentuhan upang walang gulo.
♍ VIRGO (August 23–September 22) – Bantayan ang kita, gastos at mga ari-arian dahil may hindi inaasahang pagbabagong maaaring mabuti o masama. Sa gitna ng kalituhan, maaari ka ring makakita ng bagong paraan para kumita.
♎ LIBRA (September 23–October 22) – Halo-halo ang takbo ng araw, kaya huwag ipilit ang usapan kapag tila lumilihis o nagkakagulo. May kakaiba at nakakatuwang sitwasyong maaaring dumating at swak na swak ito sa iyong panlasa.
♏ SCORPIO (October 23–November 21) – Maaari kang matuksong bumili ng bagong damit, kaya itago ang resibo at kahon sakaling magbago ang isip mo. Marami kang lakas para makihalubilo o tapusin ang mga gawain, pero huwag pumayag sa anumang malabo.
♐ SAGITTARIUS (November 22–December 21) – Maganda ang impresyong naiiwan mo at maaaring magkaroon ng masayang usapan sa isang babaeng kaibigan o kakilala. May nakakagulat na pangyayari o kakaibang taong makikilala, kaya magsaya pero huwag maging padalos-dalos.
♑ CAPRICORN (December 22–January 19) – Mas napapansin ka ngayon, kaya maaaring matukso kang magsalita nang matapang at biglaan. Linawin ang mensahe at hinaan ang tono—minsan, mas pinakikinggan ang bulong kaysa sigaw.
♒ AQUARIUS (January 20–February 18) – Hindi tiyak ang mga plano sa biyahe dahil maaaring magkaroon ng biglaang lakad o pagbabago ng pupuntahan. Maaakit ka rin sa kakaibang ideya tungkol sa pilosopiya, relihiyon o pulitika, pero timbangin muna bago makipagtalo.
♓ PISCES (February 19–March 20) – Mag-ingat sa paghahati ng ari-arian o paghawak sa pera at gamit ng ibang tao dahil posible ang biglaang pagbabago. Linawin ang usaping bangko at pinagsasaluhang pag-aari, saka maglaan ng oras para magsaya.


