♈ ARIES (March 21–April 20) – Nag-aalab ang iyong pagkamalikhain kaya madali mong makikita kung ano ang maganda at epektibo. Makakaisip ka rin ng bagong solusyon sa problema. Sa pag-ibig, lalalim ang samahan kapag marunong kayong magsaya.
♉ TAURUS (April 21–May 21) – Isulat ang mahahalagang bagay sa halip na piliting tandaan ang lahat. Malilinawan ang gusot sa pamilya dahil sa isang mensahe sa group chat. Kung single, maaaring magsimula ang pag-ibig sa taong nagbibigay sa iyo ng espesyal na atensiyon.
♊ GEMINI (May 22–June 21) – Posibleng magsimula ang linggo na punô ang isip mo sa mga gawain. Huwag akuin ang lahat ng pagpaplano at pag-aasikaso; matutong magbahagi ng responsibilidad. Makinig sa balita sa inyong lugar dahil may oportunidad na bagay sa iyo.
♋ CANCER (June 22–July 22) – Gamitin ang husay mo sa pag-aayos upang gawing mas komportable at maganda ang tahanan. Maganda rin ang simula ng linggo sa trabaho dahil sa positibong balitang pinansiyal. Sa pag-ibig, maaaring maging opisyal ang relasyon.
♌ LEO (July 23–August 23) – Panahon na para sa panibagong simula. Kalimutan ang problema at kabiguan noong nakaraang mga araw at ituon ang lakas sa mga bagay na kaya mong baguhin. Isang planong date night ang magbabalik ng ngiti.
♍ VIRGO (August 24–September 22) – May malaking desisyon o mahalagang pag-uusap na paparating sa personal na buhay o trabaho. Pag-isipang mabuti ang lahat at maghanda. Kapag nanatili kang isang hakbang sa unahan, magiging mas magaan ang buong linggo.
♎ LIBRA (September 23–October 23) – Manindigan sa iyong paniniwala at harapin ang linggo nang may tapang. Mahusay mong mapananatiling maayos ang malalapit na relasyon. Iparamdam sa partner na espesyal siya. Kung single, may taong matagal nang nakakapansin sa iyo.
♏ SCORPIO (October 24–November 22) – Unahin ang mga bagay na nagpapalakas ng katawan at tiwala sa sarili. Harapin ang problemang pangkalusugan, tingnan nang malinaw ang emosyonal na isyu at bawasan ang walang tigil na pag-scroll. Maraming pagkakataon sa pag-ibig kapag lumabas ka.
♐ SAGITTARIUS (November 23–December 21) – Maaaring matapang ang ipinakikita mo sa iba kahit may pinagdaraanan sa likod ng mga pinto. Huwag sisihin ang sarili sa pagkakamali. Mataas ang kumpiyansa sa pag-ibig at sulit kilalanin nang mabuti ang isang bagong tao.
♑ CAPRICORN (December 22–January 20) – Isang espirituwal na mensahe ang magpapaalala sa iyong mamuhay nang walang takot. Ayusin ang mga gawain at gumawa ng malinaw na plano. Susuportahan ka ng partner, habang maaaring dumating ang romance sa panahong hindi mo ito hinahanap.
♒ AQUARIUS (January 21–February 18) – Mas madaling malalampasan ang hamon sa trabaho dahil maraming handang tumulong at may mahuhusay na ideyang makikita online. Maaari na ring maisakatuparan ang matagal ninyong plano ng partner. Kung single, huwag magpakababa ng pamantayan.
♓ PISCES (February 19–March 20) – Ang dating malabong hangarin ay maaaring maging mas malaki at matapang na plano. Makikita mo rin kung gaano karaming pagsisikap ang kailangan upang matupad ito. Sa pag-ibig, paborable ang mas malalim na pagsasama at matinding passion.


