Pinag-uusapan kamakailan ng netizen ang latest sighting kay Kapamilya actress Bela Padilla, kasama ang isang “guwapong mystery guy” na ayon sa mga Marites na fans ng aktres, ay madalas nang nakikitang kasama nito.
Sa isang event kamakailan kung saan invited si Bela, muli nga daw nakitang kasama at katabi pa ng magandang aktres ang naturang ‘mystery guy’ na minsan na ding tinukoy sa ibang okasyon na ka-date umano ng aktres.
Ang naturang sighting ay naganap sa opening ng pet lifestyle clinic ng cosmetic doctors na sina Dra. Aivee Aguilar-Teo at Dr. Z Teo.
Kung pagbabasehan daw ang mga naglabasang photos, mahihinuhang kakilala din ng mga doktor ang guwapong mystery guy na kasama ni Bela.
May mga ulat pang sweet ang dalawa at mukhang may “something more romantic” going on between them.
May mga usap-usapan sa socmed ang mga netizens na ang guwapong mystery guy na umano’y ka-date ni Bela ay isang tech entrepreneur na nagngangalang Martin Tan.
Sa ibinigay na profile ng netizen mula sa Instagram, si Martin ay co-founder at CEO ng Tenext.ai, ang dating Arbolo.ai, isang “AI-native experience (CX) and software development company.
Si Martin din ang pinag-uusapang nakita na kasama ni Bela last February 2026, at hinuhulaan noong ‘nanliligaw’ sa aktres ayon sa post ng Reddit.
Base sa mga naglabasang photos ni Martin, marami ang nagsasabing may wangis ito sa awra ng guwapong aktor na si Rocco Nacino at appeal ni Dr. Hayden Kho.
May mga nagsasabi ding malaki din ang pagkakahawig nito sa mga kilalang Korean actors na hinahangaan sa mga Korean series.
May mga komento din sa ibang tsismis sites na ang aktres at kaibigan ni Bela na si Kim Chiu diumano ang nag-introduce sa dalawa.
Kamakailan lamang ay nagkaroon ng balitang diumano’y parang may ‘silent rift’ ang magkakaibigang Kim, Bela at Angelica Panganiban, at may tsismis pang magkakampi sina Kim at Angelica kontra kay Bela.
Tikom ang bibig ng mga ito sa nasabing intriga tungkol sa friendship nila.
Pinag-usapan din kamakailan ang sinasabing pag-feeling “know it all at acting diva” ni Bela sa set ng Blood Versus Duty at diumano’y nakabangga pa nito ang co-actor na si Baron Geisler.
Nasangkot din si Bela sa intrigang nag-feeling ‘boss’ din ito sa naturang produksyon dahil ultimo ang pag-cast daw sa tiyuhin nitong si Sen. Robin Padilla sa same series ay pinanghimasukan pa nito.
Subalit sa lahat ng mga intriga at tsismis na iyan ay walang anumang denial o kumpirmasyong ibinahagi ang magaling na aktres.
Matatandaang halos laging nasa ibang bansa si Bela dahil sa noo’y boyfriend niyang isang Swiss-Italian na si Norman Bay.
Five years din ang itinagal ng kanilang relasyon ay marami nga ang nag-akala na gagawin ng second home ng aktres ang abroad dahil napabalita pa noon na ma-involve sa pagdistribute ng movies and shows si Bela nang dahil sa boyfriend niya.
Nagulat na lang ang local showbiz nang bumalik siya ng bansa at nagsimulang magsulat at mag-direk ng movies.
Ang latest show na napapanood siya bukod sa Blood versus Duty ay ang nasa top ten ngayong movie project nila ni Carlo Aquino sa Netflix na noong February pa natapos.


