Kung pagbabasehan ang mga naunang balita tungkol sa kasalang Bea Alonzo at Vincent Co, ngayon dapat, May 16 ang sinasabing araw ng paghaharap nila sa altar sa Spain.
Subalit nito lamang May 14, sa isang malaking event na inorganisa ng Puregold Corp ay lumabas ang mga photos ni Vincent kasama ng ama nitong si Lucio Co.
Sa post ng NET25 President na si Caesar Vallejos, makikitang kaasama niya ang mag-ama na masayang nakikipaghalubilo sa mga duinalo sa taunang Puregold Sari-Sari Store Convention 2026 na ginanap nga sa World Trade Center, Pasay.
Mabilis pa sa alas-kuwatrong naglabasan din sa iba’t-ibang media outlets ang mga kuwento tungkol sa dalawang version ng diumano’y wedding of the year pa naman ng dalawang kilalang mga tao sa lipunan.
Bukod sa mga items na lumabas na hinggil sa prenup agreement na diumano’y “tinanggihan” ni Bea lalo na yung may kinalaman sa mga magiging anak nila sakaling sila’y maghiwalay, may umamin mula sa kampo ng mga Co na totoo ngang dapat daw ay sa compound ng mga Co manirahan ang mag-asawa.
“For security and safety reasons,” ang depensa ng mga nagsasabing ganun daw talaga ang mga Chinese families na masyadong high-profile ang status sa lipunan.
Lumabas din ang balitang pangingialam ng business manager ni Bea na si Ms. Shirley Kuan, na inakusahan pa ng marami na mawawalan daw kasi ng “milking cow” once maikasal ang alaga nito.
Subalit sa huling pakikipagpanayam ng BISTADO kay Ms. Kuan, isa pa nga ito sa super excited na finally ay ikakasal na si Bea at naghahangad ito ng kaligayahan at masaganang pamilya para sa alaga.
Naglabasan na din ang mga litrato ng mga pamilya at kaibigan ni Bea na nasa Spain na. Naghihintay na lang diumano ang mga ito ng anunsyo, gaya nina Dimples Romana at iba pang non-showbiz friends ni Bea.
Subalit kasabay nga ng pagpapakita sa publiko ni Vincent ay ang dalawang versions ng diumano’y anunsyo hinggil sa kasal.
Nakatanggap daw ang mga imbitado ng isang notice na nagsasabing nang dahil sa mga personal na bagay at pangyayari ay “postponed” muna ang nakatakdang araw ng kasal nina Bea at Vincent. “Wait for further notice” ang sinasabi umano ng naturang anunsyo.
May mga naimbitahan naman daw na nakatanggap ng notice na nagsasabing “kanselado na o cancelled” ang nasabing kasal.
Hilong-hilo na ang sambayanan sa mga nagaganap. Nasa Spain na daw si Bea at tila e-eenjoy na lang ang company ng kanyang pamilya at mga kaibigan.
Marami naman ang nagtataka sa pa-event ng Puregold kung saan namataan si Vincent dahil kumpara daw sa mga nakaraang event ay laging may iniimbitahang taga-media to cover but this time ay wala diumano.
Umiiwas daw kaya itong ma-korner at matanong? Or baka daw strategy lang daw nila ito para lalong pag-usapan ang isa sa kanilang mga negosyo na matagumpay at dinadagsa ng mga tao sa buong bansa?
Nasa waiting game pa ba tayo o tantanan na lang natin at hindi na pakialaman pa?


