Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Bea Alonzo, pinakitaan ng resibo ng dating manager Shirley Kuan

Shirley Kuan’s (SK)  Media Conference:

Sa harap ng entertainment media ay nagpahayag si Shirley Kuan ng kanyang “truth” hinggil sa naging hiwalayan nila ng aktres na si Bea Alonzo, bilang talent at manager sa isa’t-isa.

Nitong August 24 ng hapon ay hindi na nga napigilan ni Shirley na mas sikat sa tawag na SK sa showbiz na bigyang linaw ang mga ayon sa kanya ay maling paratang at kuwento tungkol sa pag-re-resign niya as Bea’s manager.

“The last straw was so insulting. Dun na talaga ako nag-decide na this is it. This has to end,” kuwento ng talent manager.

Ang tinutukoy niyang ‘last straw’ ay hinggil sa isang media event just recently  ng isang brand na kanyang na-close ang deal for Bea.

Ayon kay SK, “öut of the blue, somebody from the management of that brand called me up and told me that I was being dis-invited.”

“Huh, ano yun? Bakit may ganito? Though hurt, I still managed to ask Bea, what happened? And she replied, ‘hindi ko alam Tita. wala akong alam?”

“But doing the math, well??, ” ang makahulugan nitong tanong sa mga friends from media.

ON CANCELLED WEDDING etc.:

Bea versus SK? … mula sa FB

Previously ay may mga pangyayari na daw laban kay SK upang magdecide na siyang kumalas bilang manager ng aktres.

Salaysay pa ni SK, “during the time that I was being portrayed as kontrabida sa na-kansel niyang wedding sa Spain, I kept my silence and said nothing because Bea and I knew the truth. Pero ang daming mga umikot na kuwento among the Chinese community na kesyo ganyan, ganun, at ako nga daw ang itinuturong dahilan kung bakit nangyari yung di natuloy ang kasal sa Spain at kung anu-ano pa.”

“You know me. In my 30 years in the industry, wala akong record na nangialam sa personal na buhay ng mga alaga ko. As much as possible nga, hangga’t maaari ay ihihiwalay ko ang personal naming relasyon sa business dealing namin but if my artist requested or demanded me to help him or her sa mga personal nilang isyu, hangga’t kaya ko, I will help,” dagdag pa nito.

Then naikwento nga niyang siya ang tila ginawang ‘sacrificial lamb’ nang makiusap si Bea na siya ang magpadala ng mensahe sa mga kaibigang naimbita sa Spain wedding.

Sa pamamagitan umano ni Bea Secosana, matalik na kaibigan ni Bea Alonzo at may-ari ng Secosana bags, nakiusap daw ang aktres na makipag-coordinate si SK at kanyang wedding coordinator para sa ”message brigade” for their guests na pupunta sa Spain.

Apparently, nasa eroplano na that time si Bea papuntang Spain kaya hindi na niya ito nakausap ng personal at naghahabol na sila ng oras dahil may mga wedding guests ng may flight na din at hotel booking sa Spain.

“The text message Bea apparently wrote for the cancellation appeared to have come from me pero dahil magagahol na sa oras at iniisip namin yung hassle at trouble na magagawa nito, might as well i save pa yung pwede pang masalba na nandito sa Pilipinas,” lahad ni SK habang binabasa ang mga sinasabi niyang ‘resibo’ ng conversation nila during that time na sumabog ang balitang kanselado na ang kasal sa Spain. 

Matinding pressure diumano ang naranasan ni SK sa mga pangayayari lalo’t sa sariling bulsa nilang mga invited guests galing ang gastos na sinabayan pa ng mga uncertainties sa flight from Manila to Spain nang dahil sa epekto ng giyera ng USA at Iran. 

“Ï know nothing about the cancellation. Basta na lang merong ganung anunsyo at request. I never asked dahil since day one, alam ni Bea na gustong-gusto ko na siyang ikasal. Na sana nga ay si Vincent (Co) na ang makatuluyan niya at magkaroon na siya ng time para sa kanyang personal na buhay. Raise her family and be happy,” saad pa ni SK.

ON CASH COW and being DEFENDED:

Isa pa sa pinaka-masakit na bintang kay SK ay ang mawawalan umano ito ‘cash cow’ kapag nag-settle na si Bea.

Sagot ng matapang na manager, ““Bea did not make me rich nor she will make me poor!”

Kahit nga daw ang civil wedding sa Makati na hindi niya alam ay tila siya pa rin ang itinurong ‘kontrabida’ dahil aniya, “I heard a lot of stories from my Chinese friends saying na ako nga daw ang dahilan kung bakit may mga iskandalo sa kasal.”

“I never asked Bea to defend me, neither I expected her to speak for me pero naman, sana, she could have told the truth na wala akong alam sa mga nangyari at klinaro man lang sana niya sa mga nag-aakusa against me na wala akong papel or what. That it was her who requested me to do it for her,” paglilinaw ni SK.

“Didn’t I deserve the courtesy if not the respect man lang?,”ang may hinanakit pa nitong lahad. 

THE LAST STRAW:

SK, "Bea did not make me rich nor she will make me poor!" ... mula sa FB at IG
SK, “Bea did not make me  rich nor she will make me poor!” … mula sa FB at IG

Sa pamamagitan nga daw ng usapan sa phone ay tinapos na nila noong August 11 ang kanilang relations bilang manager-artist at naniniwala siyang nagtapos sila ng maayos.

“We’re still friends Tita ha,”yun pa daw ang isa sa mga huling sinabi ng dating alaga sa kanya.

Ang naturang pagharap sa media ang una’t huling pagsasalita ni SK ayon sa kanya. Na silently nga daw sana ay mananahimik na lang siya dahil kahit ang buong mundo pa daw ang magalit sa kanya at iportray siyang kontrabida ay okey lang.

Pinaninindigan na daw sana niya ang pananahimik gaya ng pangako sa aktres na kahit maghiwalay na sila ng landas ay wala siyang sasabihin, pero nito ngang August 14 (Friday) nang tawagan siya ng kapwa talent manager ay doon na niya napag-desisyonang lumabas at magsalita.

“I received a call from another talent manager and asked me about the whole thing on my resignation as Bea’s manager. Then she told me na may plano daw ang kampo ni Bea na awayin ako, and  so on to make me the bad one in the story. I called up Bea ang asked about it and she again said, ‘wala akong alam Tita,” paglalahad pa ni SK.

“This is too much.Sobra na. I have to come for my defenses and say my truth. That this is the truth at ito ang nangyari. Ito ang alam ko at ganito ang ginawa ko. Yun ang panghahawakan ko at yun ang gusto kong ikuwento. May mga maniniwala, mayroong hindi. That’s normal and I know that. Pero at least sa ngayon, wala na akong dinadalang bagahe dahil nasabi ko na yung side ko at ang totoo na alam ko,” pagtatapos ni SK.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles