Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Barbie Forteza, “siya ang reason kung bakit artista ako”

Marami ang nagulat sa rebelasyon ni Kapuso actress Barbie Forteza hinggil sa pangunahing rason kung bakit siya naging artista.

Sa story conference ng pinaka bagong collab project ng GMA 7 at Dreamworks Ent. at ABS-CBN na ‘Honor Thy Mother,’ ay hindi na nga napigilan pa ni Barbie na i-reveal ang isa mga kuwentong nagbibigay inspirasyon daw sa kanya bilang artista.

“Grabeh, dream come true talaga ito. Mahirap paniwalaan, pero heto at mangyayari na,” panimula ng award-winning actress at isa sa mga ‘reyna’ ng Kapuso network.

“Isa po talaga siya sa mga rason kung bakit ginusto kong mag-artista,” sey pa ni Barbue tungkol kay megastar Sharon Cuneta, na first time nga niyang makakatrabaho sa isang TV series.

Sa tinagal-tagal na daw niya sa showbiz since nagsimula siya noong siya’y teenager, talaga daw pinangarap na niyang makatrabaho si mega. Kaya nga daw kapag may mga okasyon o showbiz events na nakasalubong at nakikita niya ito, hindi daw talaga puwedeng hindi niya ito lapitan, kausapin o magpa-picture man lang.

“Super idol siya ng mama ko. Growing up, kada may pelikula siya noon, lagi akong isinasama ng nanay ko para panoorin, iyakan, kiligin at tawanan ang mga ginagawa niya sa movie. Sobrang fan ang mama ko na at my young age ay nangarap akong maging gaya ni ate Sharon. Na gusto kong mag-artista,” pahayag pa ni Barbie.

Kaya nga daw ngayong nagkaroon na ng opportunity na mangyayari na magkasama sila bilang mga bida sa Honor Thy Mother, “ngayon pa ba ako mag-iinarte?,” hirit ng aktres.

“I am proud. I am very proud to be part of this project. Kita naman natin kung gaano ka-detailed ang buong proyektong ito. It means that… this project, hindi basta-basta. I will not take it for granted, and I’m just so excited to work with everyone. I’m so excited to work on a new production. I’m just very proud to represent GMA, my mother network,” dagdag pa niya.

Samantala, makakasama rin ni Barbie sa naturang proyekto ang kanyang fellow Kapuso artist na si Khalil Ramos. Parte rin ng cast nito sina John Estrada, Mercedes Cabral, Tonton Gutierrez at RK Bagatsing.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles