Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Bagong silang na sanggol, nasagip sa paper bag sa Tacloban

TACLOBAN CITY – Nasagip ng mga pulis ang isang bagong silang na sanggol na iniwan sa loob ng paper bag sa isang nakaparadang multicab sa Sta. Elena, Tacloban City noong gabi ng May 12, 2026.

Ayon sa ulat, bandang 10:32 p.m. nang makita ng isang concerned citizen ang sanggol sa labas ng kanilang bahay at agad itong ini-report sa mga awtoridad.

Rumesponde sa lugar ang mga miyembro ng City Mobile Force Company at Police Station 3 ng Tacloban City Police Office.

Pagdating ng mga pulis, siniguro nila ang kaligtasan ng sanggol at nagbigay ng agarang response.

Nakipag-ugnayan din ang Women and Children Protection Desk sa City Social Welfare and Development Office at Tacloban Rescue Unit para sa wastong pangangalaga at medical assessment.

Batay sa paunang assessment, hindi pa napuputol ang pusod ng sanggol at may bakas pa ng tuyong dugo sa buhok nito, indikasyong kasisilang lamang bago iniwan sa lugar.

Patuloy ang imbestigasyon para matukoy kung sino ang nag-iwan sa sanggol.

Tiniyak ng Police Regional Office 8 na prayoridad ang kaligtasan at kapakanan ng bata habang nasa pangangalaga ito ng kinauukulang ahensya. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles