Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Babala ng PAL: Mag-ingat sa pekeng promos online

Naglabas ng babala ang Philippine Airlines (PAL) sa publiko laban sa kumakalat na pekeng online promos at scam posts na gumagamit ng pangalan ng airline.

Ito ay kasunod ng isang insidente kung saan napaulat na nalimas ang bank at GCash account ng isang biktima matapos ibigay ang kanyang phone number sa scammer, kahit hindi umano siya nagbigay ng OTP o iba pang sensitibong detalye.

“Philippine Airlines is advising the public to be vigilant against inaccurate online posts and individuals claiming to be associated with PAL, misleading the public on the airline’s current promotional discounts or seat sale offerings,” saad ng PAL sa isang pahayag. 

Binigyang-diin ng airline na may mga indibidwal na nagpapanggap na konektado sa PAL at naglalabas ng maling impormasyon tungkol sa promos at seat sales.

Dagdag pa ng kumpanya, “To avoid misinformation, we remind the public that official updates and advisories are released only through Philippine Airlines’ verified channels, including the PAL website www.philippineairlines.com and the official PAL FB Page.”

Mahigpit ding paalala ng PAL na hindi ito humihingi ng bayad sa pamamagitan ng personal bank accounts, hindi nagpapadownload ng external apps, at hindi gumagamit ng unofficial messaging platforms para sa transaksyon.

Pinayuhan ang publiko na agad i-report ang mga kahina-hinalang account o mensahe gamit ang pangalan ng airline sa kanilang hotline na (+632) 8855 8888 o sa email na wecare@philippineairlines.com. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles