Pinalalakas ng Ayala Land ang kita nito mula sa stable at recurring income streams sa pagbubukas ng Ayala Malls Arca South, isang 100,000-square-meter retail hub sa emerging Arca South estate.
Bahagi ang proyekto ng strategy ng kumpanya na palakihin ang leasing at hospitality portfolio habang nagmo-moderate ang property sales growth.
“At Ayala Malls, we design for frequency and habit,” ani Paul Birkett, chief operating officer ng Ayala Malls, sabay diin na mahalaga ang sustained foot traffic sa tenant performance at rental stability.
Nasa loob ng Arca South ang mall, isa sa priority growth estates ng Ayala Land. Target nitong saluhin ang demand mula sa dumaraming residents, office workers, at transit users sa lugar.
Sa maagang paglalagay ng retail sa development cycle ng estate, layon ng kumpanya na pasiglahin ang business activity at bumuo ng consumption patterns na susuporta sa steady rental yields.
Gumamit ang proyekto ng open at mixed-use layout para pahabain ang dwell time at hikayatin ang repeat visits, na mahalaga sa tenant sales.
“We start with how people actually live,” ani Mariana Zobel de Ayala, senior vice president at head of Leasing and Hospitality.
Kabilang sa key zones ng mall ang Fresh Grounds, isang café cluster; Kulinarya Food Hall, isang communal dining space; at Main Street, isang outdoor retail strip para sa events at pop-ups.
May flexible spaces din gaya ng The Crates at The Souk, na nagbibigay-daan para umangkop ang tenant mix sa nagbabagong consumer demand.
Inaasahan ng Ayala Land na makakatulong ang mall sa recurring revenues habang pinapataas din ang value ng kalapit na residential at office developments. Tinitingnan din ang Ayala Malls Arca South bilang template para sa susunod pang mixed-use projects ng kumpanya. /Bistado


