Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ashtine Olviga, tinapatan ang KaiDres?

Tarantang-taranta ang ilang mga fans ng AshDres sa tila sagot ng kanilang idolong si Ashtine Olviga sa nag-viral na photos ng KaiDres, o nina Andres Muhlach at Kai Montinola.

Dangan kasi ay mukhang tinapatan ni Ashtin ang mga trending photo nina Andres at Kai sa online world, lalo’t sabay silang rumampa sa Fashion Week ng isang kilalang local clothing brand.

Naka denim jacket si Andres sa nasabing fashion show at saktong-sakto dahil yung photo ni Ashtine para sa publicity promo ng bago niyang single na “Love Like U” ay denim din ang suot nito.

At para ilaban ng AshDres ang bias nilang love team, gumawa sila ng art card na magkasama sina Andres at Ashtine na parehong naka denim. 

Aakalain mo talagang totoong magkasama ang dalawa sa photo na halatang ginamitan ng nauusong AI app.

Ang ikinaloloka lang ng netizen sa online world ay ang tila bardagulan ng mga kampo nila lalo’t gusto nilang sa isang ka-love team lang ma-involve o ma-link ang guwapong anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.

May ilan pa ngang nagtatanong kung bakit hindi rumampa sa nasabing fashion show si Ashtine gayung ito naman daw ang original na ka-love team ni Andres.

May mga nag-aakusa tuloy na baka daw unti-unti nang inihihiwalay si Andres sa idolo nila na siyempre pa ay pinu-push naman ng mga maka-Kai dahil para sa kanila, higit na bagay ang idol nila kay Andres.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles