Hindi na nagbigay pa ng anumang pahayag si Baron Geisler sa nag-viral socmed post ng kanyang kinakasamang si Jamie Marie Evangelista-Geisler.
Bukod kasi sa pinagtatakhan ng netizen ang post kaugnay sa pagtatanong nito kung normal daw ba sa isang PA (production assistant o personal secretary) ang matulog katabi ang kanyang amo, tila may kung anong “something” daw yata sa ‘psyche’ ng asawa ni Geisler.
Nagpakilalang isang psychologist at occasional actress si Jamie na naging asawa ni Baron noong 2019, kaya’t nagtatanong ang netizen kung bakit tila hindi ito gaya ng isang mahusay na psychologist kung mag-isip?
Sey ng mga netizen, “for someone who claimed to have studied, practiced and understood psychology, bakit ganun siya mag-isip? Yung gamitin pa niya ang social media para lang magtanong kung normal sa isang P.A. ang matulog sa kama katabi ang amo niya? Something is very off.”
May ilang netizen ding nag-iisip na baka daw nagpapansin lang ang asawa ng magaling na aktor, lalo’t naging takbuhan nito ang socmed para dito magbuhos ng kanyang disgust, galit, o mga emotional attack niya sa asawa niyang nakilala sa showbiz bilang isang “pasaway.”
Ang iba naman ay nagpapalagay na baka nag-iba na ang mindset ng asawa ni Baron lalo’t ito ang naging sandalan ng aktor noong mga panahong marami itong isyu bilang manginginom at lulong sa illegal substance gaya ng droga.
Sa ngayon ay naka-down na ang pinag-usapang socmed post at hindi na rin ito pinatulan pa ng aktor na sagutin. Although marami ang nagpapayo sa asawa ni Baron na huwag ngang gamitin ang socmed sa mga paninira nito sa asawa.
“Kung talagang ganun na ang karakter ng asawa niya, she should get out of the relationship. Mahirap intindihin at bigyan ng simpatiya ang isang matatawag na may pinag-aralan naman at nakakaunawa ng mga bagay-bagay sa pagkatao ng isang human and yet, hindi mo alam kung nagpapapansin, humihingi ng sympathy, pa-victim o ano?,” komento pa ng netizen.
Ayon naman sa isang source ng BISTADO na malapit sa aktor at asawa nito, ayaw na daw magsalita ng couple hinggil sa isyu.


