Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Anne Curtis, Vice Ganda and It’s Showtime family & supporters, may resbak kay Cong. Bong Suntay

“100% sure, hindi iyan palalampasin ni meme Vice Ganda,” reaksyon ng mga supporters ng It’s Showtime at ni Anne Curtis kaugnay ng paggamit ni Cong. Bong Suntay sa pangalan ng aktres-host.

Hindi nga nagustuhan ng sambayanan ang tinuran ng Congressman mula sa 4th district ng Quezon City sa ginawang hearing kung saan pinag-uusapan ang isyu ng impeachment kay VP Sara Duterte.

Sa analohiya na ipinahayag ni Suntay kaugnay ng usaping “desire at mere thoughts,” ginamit nitong halimbawa ang minsan niyang encounter sa aktres-host sa isang kilalang hotel sa Mandaluyong.

Sey nito,  “minsan nasa Shangrila ako. Nakita ko si Anne Curtis, ang ganda-ganda pala niya. You know may desire sa loob ko na nag-init talaga at na-imagine ko na lang kung ano ang pwedeng mangyari. Pero siyempre, hanggang imagination lang yun.”

“Hindi naman siguro ako pwedeng kasuhan dahil kung ano-ano ‘yung na-iimagine ko. There is nothing sexual doon sa sinabi ko, nothing immoral… I said may na-imagine ako. I think that is nothing wrong,” dagdag pa ng kongresista.

Diumano, ang naturang analogy ay parang gaya lang daw ng ‘desire at mere thought’ ng VP noong sabihin nitong ipapatay si Pangulong Bongbong Marcos.

Hindi ito nagustuhan ng mga Mambabatas na present din sa naturang hearing kaya’t nagmosyon silang tanggalin ang nasabing statement sa record na binanggit nito si Anne Curtis. Agad naman itong inaprubahan ng House Committee on Justice.
Mabilis namang nagbigay ng kani-kanilang reaksyon ang ilang mga nasa media industry gaya nina Karen Davila at Bianca Gonzales na nagsabing bukod sa pag-strike out sa record ay dapat humingi ng public apology si Suntay.

Kahit ang nanay ni Anne na si Gng.Carmencita Ojales ay tinawag na ‘sick man’ ang Kongresista. Ayon pa sa ina ni Anne, kasalukuyang nasa Oman ang mag-anak ni Anne, kasama ang asawang si Erwan Heussaff at anak nilang si Dahlia. Hintayin daw nating safe silang makabalik ng bansa na siguradong magbibigay ng pahayag sa naturang “ingay” sa Congress.

And yes, sure na sure ngang reresbakan ng It’s Showtime family ang Kongresista, lalo’t very active nga ang mga ito sa usaping bayan, lalo na si meme Vice Ganda.

Sigaw ng mga supporters, “humanda ka G. Suntay. Kung nagagawa mong magbanggit basta na lang ng name ng tao, huwag kang magugulat kung pati ang pamilya mo at mga anak, o sinumang konektado sa iyo ay mapag-usapan din sa kaparehong usapin. Be ready with your imagination..”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles