Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Angelica Panganiban-Kim Chiu, nag-bolt in nga ba against Bela Padilla?

Matagal ng pinag-uusapan sa showbiz ang tila ‘gusot’ umano ng “AngBeKi,” ang samahan o tropa ng mga aktres na sina Angelica Panganiban, Bela Padilla at Kim Chiu.

May mga unconfirmed reports na nag-ugat daw ang lahat nang dahil sa pagkakaroon ng magkakaibang pananaw ng tatlong maituturing na very vocal actresses sa mga usaping bayan.

May mga nagsasabi namang ‘tampuhang magkakaibigan’ lang diumano ang naganap over petty items like hindi napagbigyang schedules, mga ganap at ilan pang personal na bagay sa kanila.

Bela, pinagkaisahan nga ba nina Angelica at Kim?, ang viral latest photo nina Kim at Angelica minus Bela. kuha sa FB

Ang ilan naman ay iniuugnay sa umano’y usapin sa lovelife ni Bela na involved ngayon sa isang guwapo at mayamang businessman na ayon sa tsismis ng ilan ay ipinakilala lang ni Kim Chiu kay Bela. Diumano. tila naligwak na lang bigla si Kim nang magkaroon nga ng ugnayan si Bela sa negosyante.

Ang mga report namang nakarating kay Angelica mula sa produksyon ng series na huling ginawa ni Bela ay tila mas pinaniwalaan umano ni Angelica over Bela’s situation.

Base pa sa mga tsismis sa produksyon na nasagap daw ni Angelica, talaga raw umober sa pagiging “artist” si Bela dahil pinakialaman daw nito ang lahat ng aspeto ng series kaya’t kahit ang ilang co-stars nito ay nakabangga nito diumano.

Sa ngayong kumakalat na photos nina Kim at Angelica, maraming mga netizen ang nagpapalagay na mukha ngang nagkampihan na ang dalawa kontra Bela.

Tila ito raw ang paraan ng AngKi (minus Be) para iparamdam kay Bela ang seryoso nilang hinanakit o isyu sa aktres friend nila.

Sinubukan ng BISTADO na makakuha ng ilang info sa mga common friends ng tatlo, pero wala ni isa man ang naglakas loob na magbigay ng pahayag.

Basta ang sabi nila, if ever man daw na may gusot nga, sana daw ay maayos agad dahil nakakapanghinayang naman daw ang magandang friendship na nasimulan nila.

Sigaw pa nila, “sana naman, hindi iyan friendship over noh!”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles