Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Andrea Brillantes, inaabangan ang kaseksihan this summer

Ayaw talagang mag pakabog ni Andrea Brillantes lalo na ngayong summer. Hindi maaaring wala siyang entry sa paseksihan at pagpe-flex ng summer ready body na madalas ay ginagawa ng mga gaya niyang celebrities.

Mas pinainit nga ni Andrea ang mainit ng panahon dahil sa pagbabalandra niya ng kanyang seksing katawan sa Instagram.  

Mukhang sumakses naman si Blythe sa paandar niyang ito dahil inulan ng papuri ang kaseksihan niya sa socmed, hindi lang mula sa lahi ni Edan kundi maging sa mga gaya niyang babae na na-inspire sa kanyang hubog at pag-maintain ng naturang figure.

Bukod sa bonggang hinaharap o bumpers kung tawagin, naging kapansin-pansin din ang suot ng aktres sa trending sexy photos niya.

Naka pang Coachella outfit si Blythe sa mga ito bagay na pinanghihinayangan ng mga fans at casuals kung bakit hindi nakadalo rito ang aktres.

Marami pa nga ang nag-komento na siguradong matatalbugan ni Andrea ang mga kilalang celebs na spotted sa Coachella Music Festival, kung rumampa ito doon at nakipag-talbugan sa mga mga ibang nanood.

Inuudyukan tuloy ng favorite fashion stylist ng aktres na si Eldzs Mejia si Blythe na dapat present na siya sa nasabing music fest next year dahil saad nito, “she has the right to be there and she has all what it takes to be noticed.”

Pero ang inaabangan ngayon ng mga memang netizens ay kung ano kaya ang magiging reaction ng boyfriend ng aktres na si Franchesko Juan Capistrano sa pagbibilad ng katawan ng gf sa socmed?

Samantala, naging usapan-usapan din sa socmed ang halos magkaparehong background ng mga photos nina Andrea at Franchesko.

Kaya ang hinala ng mga atribidang netizens ay magkasama naman talaga ang magdyowa sa out-of-town ganap at super iwas lang sa publiko dahil umeere pa ang serye ni Andrea with Enrique Gil na A Secret in Prague sa TV5 at napapanood din sa Netflix.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles