Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Albularyo, tiklo sa Cavite gun bust

Arestado ang isang 72-anyos na albularyo matapos umanong makumpiskahan ng tatlong hindi lisensiyadong baril sa General Trias City, Cavite.

Kinilala ng Philippine National Police (PNP) ang suspek sa alyas na “Nilo,” na inaresto noong July 29 sa Barangay Pasong Kawayan I.

Isinilbi ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group-Cavite Provincial Field Unit ang search warrant laban sa suspek dahil sa hinihinalang paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nasamsam sa operasyon ang isang kalibre .45 pistola, isang kalibre .357 revolver at isang kalibre .22 revolver, kasama ang sari-saring magazine at bala.

Dinala sa kustodiya ng pulisya ang suspek matapos umanong mabatid na wala siyang lisensiya o permit para magmay-ari at mag-ingat ng mga baril.

Lumitaw sa imbestigasyon na kilalang albularyo ang suspek sa lugar at umano’y nagbebenta ng agimat na sinasabing makapagbibigay ng proteksiyon laban sa bala.

Nakakuha rin ang mga awtoridad ng impormasyong umano’y nagpapaputok ng baril sa publiko ang suspek upang ipakita ang sinasabing kapangyarihan ng mga agimat.

Nagdulot umano ang mga pagpapaputok ng takot at pangamba sa mga residente ng komunidad. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles