Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Aiai de las Alas, inasahan na ang pagpapakasal sa iba ng ‘ex-husband’

Kahit noong nagsasama pa lang daw sila ay kumbinsido na ang comedy actress/host  Ai Ai de las Alas na ramdam na niyang game magpakasal sa iba ang ngayoý ex-husband na niyang si Gerald Sibayan.

Sa loob daw ng ilang taon din nilang pagsasama bilang mag-asawa, hindi daw talaga nawala sa isip niya ang posibilidad dahil nga marahil sa agwat ng kanilang edad at pagiging ‘sobrang dependent’ nito sa kanya sa maraming bagay.

Matatandaang noong 2017 nagpakasal ang dalawa at kahit marami ang nagpapayo noon kay Aiai laban kay Gerald, bilang ito ang mas may edad, mas may pera at influence, binalewala lahat yun ng nooý sikat na sikat na comedy concert queen kung tawagin at box-office star.

“Siyempre kapag inlabey ka, bulag ka at tanga di ba? Kaya nga kami nag-migrate sa USA para maiwasan lahat iyan at mag-establish sana n g family,” ang nooý pahayag ni Aiai nang maghiwalay sila noong 2024.

Ang hindi umano pagkakaroon ng sarili nilang anak o mga anak ang isa sa mga posibleng rason ng madalas daw nilang pagtatalo na nauwi na nga sa hiwalayan, bukod pa sa isyung “dependent” sa kanya ang lalaki.

Simula ng silaý maghiwalay, nagpetisyon pa ang comedy actress na ipa-revoke ang US green card ng dating asawa,, though dagdag niyang two months bago sila tuluyang maghiwalay in 2024, “ramdam ko ng may iba. Ingles ng ingles na tila nagpa-praktis kumbaga.”

Ökey na yun. At least hindi na siya basta paalisin sa Amerika. Yun naman talaga ang dream niya. Bayaran na lang niya yung expenses namin sa divorce namin,” sey pa ni Aiai sa isang panayam.

Ayon kay Aiai, umabot daw ng halos kalahating milyong piso ang acceptance fee pa lang sa pag-file nila ng divorce na na-grant nga last May 2026 lamang.

Mayroon daw silang middle man na siyang nagbibigay ng update sa bawat panig lalo’t may sinumpaang kasulatan daw si Gerald na babayaran kada buwan ng $500 dollars ang kabuuang halaga ng divorce nila.

Ikinasal si Gerald sa isang nangangalang Nadine sa San Francisco City Hall, USA.

Ayon sa report ng showbiz vlogger na si Ogie DIaz, walang detalyeng inilabas tungkol dito pero kinumpirma nga din mismo ni Aiai na nagpakasal na nga ang kanyang ‘ex-husband’ about three months after ma-grant ang divorce nila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles