Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Biglaang pag-ban sa Discord, ikinagalit ng netizens; CICC humingi ng paumanhin

Ikinagalit ng Pinoy netizens na gumagamit ng Discord ang biglaang pag-block sa platform. Apektado ang mga umaasa rito para sa trabaho, negosyo at pag-aaral, bukod sa gaming.

Nagsimula ang usapin nang bigyan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang Discord at Reddit ng 24 oras upang magtalaga ng lokal na kinatawan at makipag-ugnayan sa pamahalaan tungkol sa online safety. 

Kasunod ito ng pamamaril sa isang paaralan sa South Cotabato. Walang ibinigay na palugit sa Discord, ayon sa paglilinaw ng CICC, kaya nagsimulang ma-block ang platform sa ilang network noong gabi ng Miyerkules, September 23.

“Discord isn’t just for gamers,freelancers,remote workers,businesses, VAs, students and creators use it every day,” sabi ng isang netizen. Tanong naman ng isa pa, “Was the impact properly studied before the decision was made?”

Kinuwestiyon din ng iba kung epektibo ang ban. “Kayang kaya pa rin mabypass ng mga bata kahit nakaban hahahaha,” komento ng isang Facebook user. 

“Next time, learn things properly instead of being trigger happy on banning things almost immediately,” sabi naman sa isa pang komento,

Humingi ng paumanhin si CICC Director III Aya Macalma matapos kilalaning ginagamit din ang Discord sa negosyo at pag-aaral. “Hindi pa naka-klaro samin ’yan ng Discord. We do apologize sa mga affected,” sabi niya.

Noong Huwebes, September 24, iniutos ng CICC na alisin ang block matapos makipagpulong sa Discord. 

Ayon sa grupong Digital Pinoys, nangako ang platform ng “green lane” para sa mga kahilingan at reklamo ng pamahalaan, gayundin ng tanggapan at kinatawan sa Pilipinas sa hinaharap. 

Sinabi naman ng CICC na maaari ring magpadala ang Discord ng mga kinatawan sa bansa bilang paraan ng lokal na koordinasyon.

Tinanggap ng Digital Pinoys ang mga pangako, ngunit inaasahan nitong maisasagawa ang mga ito. Para sa mga naapektuhang netizen, nananatili ang tanong kung nasuri nang sapat ang epekto ng pag-block bago ito ipinatupad. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles