Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Walang pasok sa Metro Manila sa Nov. 16-18 para sa ASEAN Summit

Tatlong araw na special non-working days ang idineklara sa Metro Manila sa November para sa pagho-host ng Pilipinas sa 49th Association of Southeast Asian Nations Summit and Related Meetings.

Sa Proclamation No. 1486 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto noong September 21, idineklarang special non-working days ang November 16, 17 at 18 sa National Capital Region.

Gaganapin sa Metro Manila ang ASEAN Summit and Related Meetings mula November 16 hanggang 18.

Layunin ng deklarasyon na bigyang-daan ang maayos na pagdaraos ng regional gathering at mapagaan ang epekto nito sa trapiko at galaw ng publiko habang nasa bansa ang mga lider at delegasyon.

Kasabay nito, sinabi ng Malacañang nitong Miyerkules, September 23, na handa na ang Philippine National Police (PNP) sa seguridad ng summit.

“The Philippine National Police is ready to secure the 49th ASEAN Summit this November 2026,” ayon sa PNP statement na binasa ni Palace Press Officer Claire Castro sa Palace briefing.

Nakikipag-ugnayan ang PNP sa iba pang government agencies, local government units at security partners para sa deployment ng personnel at security coverage.

“We are committed to ensure the safety of participating heads of states, delegates, guests and the public, and maintain peace and order throughout the event,” dagdag ng PNP.

Patuloy ang security preparations para maging handa ang mga awtoridad sa anumang sitwasyon habang ginaganap ang summit.

Lumabas ang pahayag kasabay ng mga ulat na may ilang grupong nagbabalak magsagawa ng protesta habang ginaganap ang ASEAN Summit kaugnay ng mga isyu kabilang ang posibleng pagdalo ni United States President Donald Trump at proposed Pax Silica initiative.

Sinabi ng PNP na mananatili itong “alert, professional and ready” para sa ligtas, mapayapa at maayos na pagdaraos ng summit.

Muling ipinaalala ni Castro ang panawagan ni President Ferdinand Marcos Jr. na tanggapin nang maayos ang mga foreign delegates habang iginagalang ang constitutional right sa peaceful expression. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles