Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

AI-powered eGovPH app, layong maghatid ng mas mabilis na gov’t service

Inilunsad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang eGovAI nitong Lunes, September 21, para dalhin ang artificial intelligence (AI) sa eGovPH Super App at gawing mas madali ang pag-access ng mga Pilipino sa serbisyo ng gobyerno. 

Ayon sa DICT, layunin nitong tugunan ang mahahabang proseso, pagsusumite ng dokumento at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang opisina na nagpapabagal sa mga transaksyon. Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pabilisin ang digitalization at bawasan ang red tape. 

Tampok ang “Kuya AI,” isang government AI assistant na dinisenyong magbigay ng real-time na tulong sa publiko at mga ahensya. Sa eGovPH Super App, gagabayan nito ang mga gumagamit sa paghahanap ng impormasyon, pag-access sa government services at pagkumpleto ng digital transactions. 

Kasama sa eGovAI ang secure identity verification o beripikasyon ng pagkakakilanlan, automated document processing, pagsasalin ng wika at AI assistance sa paggamit ng mga serbisyo. 

“The eGovAI marked another important step in our continuing effort to make government work better for every Filipino. We are bringing AI into the eGovernment ecosystem not simply as a technological innovation, but as a tool to make public services more responsive, accessible, and efficient,” ani DICT Secretary Henry Aguda.

Para naman sa mga ahensya, dinisenyo ang eGovAI para pasimplehin ang mga paulit-ulit na proseso at mapahusay ang paghahatid ng serbisyo. Target nitong gawing mas madaling sundan ng publiko ang mga hakbang sa pakikipagtransaksyon sa gobyerno. 

Kasabay ng paglulunsad ang eGovPH Hackathon 2026 Awarding Ceremony, kung saan kinilala ang Top 30 teams na gumawa ng mga digital solution para suportahan ang pagbabago sa mga sistema at serbisyo ng pamahalaan.  /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles