Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

LPA posibleng pumasok ng PAR sa Sept. 22 o 23, tatawaging ‘Queenie’

Isang low pressure area (LPA) sa silangan ng bansa ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Martes, September 22, o Miyerkules, September 23, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Nabuo ang LPA bandang alas-2 ng madaling araw nitong Lunes, September 21. Alas-3 ng madaling araw, namataan ito 2,090 kilometro silangan ng Eastern Visayas.

Posible rin itong lumakas bilang tropical depression pagsapit ng Huwebes, September 24, o Biyernes, September 25, ayon kay Pagasa weather specialist Aldczar Aurelio. Kapag nasa loob na ito ng PAR at naging tropical cyclone, tatawagin itong “Queenie.”

“Base sa ating mga data, may posibilidad na maging bagyo itong low-pressure area sa darating na Huwebes, Sept. 24, o sa Biyernes, Sept. 25. Ang local name kapag ito ay nasa loob ng ating Philippine Area of Responsibility as ‘Queenie’,” ani Aurelio.

Kapag naging tropical cyclone sa loob ng PAR, si Queenie ang magiging ika-17 tropical cyclone na pumasok sa monitoring area ng bansa ngayong taon.

Sa ngayon, wala pang direktang epekto sa lagay ng panahon sa Pilipinas ang LPA dahil napakalayo pa nito sa bansa.

“Kasalukuyan, wala pang direktang epekto sa ating panahon ngayong araw dahil napakalayo pa ng low-pressure area sa ating bansa,” paliwanag ni Aurelio.

Samantala, patuloy na nakaaapekto ang mahinang habagat sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon. Inaasahan ang isolated rain showers o thunderstorms sa Palawan, Occidental Mindoro at Oriental Mindoro.

Sa iba pang bahagi ng bansa, generally fair weather na may isolated rain showers ang inaasahan. Nagbabala rin ang Pagasa na posibleng magdulot ng flash floods o landslides ang severe thunderstorms. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles