As we write this, nakatanggap ng impormasyon ang BISTADO source na nakapag-post na umano ng bail na nagkakahalaga ng 5.838 million pesos si Lakambini Chiu, ang ate ng sikat na aktres-host Kim Chiu.
Sa 24 counts of qualified theft na isinampa ni Kim sa kanyang kapatid, naglabas na nga ng warrant of arrest ang isang sala ng korte sa Quezon City at noong Sept. 20 nga ay inaresto na si Lakam sa tinutuluyang lugar nito sa Mandaluyong City.
Kumalat ang mugshot ng kapatid ni Kim sa social media at mixed din ang naging reaksyon ng mga netizen.
May mga nagsasabing mabuti na daw na naaresto ito para mapanagutan nito ang ginawang krimen laban sa kapatid at mabigyan ng hustisya ang mga nawalang pera sa kumpanya nila ni Kim at mabigyan din ng katarungan ang mga manggagawang nadamay sa isyu.
May mga close friends din ang magkapatid na nalungkot sa sinalit ng ate ni Kim lalo’t hindi nga daw nila ma-imadyin na hahantong sa pagpapa-aresto ang lahat.
Hanggang ngayon daw ay hindi tumitigil ang ilan na muli silang apg-ayusin subalit mukhang bingi at manhid na daw si Kim sa mga panawagang ito.
May mga kaibigan din naman si Lakam na nagsasabing sa sinapit daw ni Lakam ay mukhang mahihirapan na rin itong makipagbati sa kapatid.
Nag-ugat ang mga kaso sa alegasyon na nawawala ang humigit-kumulang na P44.4 milyon na pondo ng House of Little Bunny (HOLB) Philippines Inc., isang kumpanyang kapwa itinatag ng magkapatid na kung saan si Lakam ay nagsilbing corporate secretary at general manager ng kumpanya.


