Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

VAT sa power system loss tanggal na simula November; electric bill bababa

Ginhawa sa bulsa ang sasalubong sa mga consumer simula November matapos alisin ang value-added tax (VAT) sa allowable system loss charge na bahagi ng electricity bill.

Malugod na tinanggap ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 097-2026 ng Bureau of Internal Revenue (BIR), na kumikilala sa allowable system loss charge bilang government-mandated charge na pasok sa ERC-approved cap at hindi kasama sa gross sales para sa VAT purposes.

Ipatutupad ang VAT relief simula November 1, 2026, alinsunod sa effectivity ng ERC Resolution No. 26, Series of 2026.

Sa ilalim ng bagong patakaran, hindi na papatawan ng output VAT at creditable withholding on VAT ang allowable system loss charge na pasok sa itinakdang cap.

Ang system loss ay tumutukoy sa bahagi ng kuryenteng nawawala sa transmission at distribution bago makarating sa consumers. May itinakdang limitasyon ang ERC sa system loss na maaaring ipasa sa mga customer.

Ayon sa ERC, hakbang ang pagtanggal ng VAT para maibsan ang electricity costs alinsunod sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa affordable at reliable energy.

Sa pagtanggal ng VAT, maaaring makita ng consumers ang katumbas na bawas sa halagang ipinapasa sa kanila sa covered billings at transactions.

Kailangan namang malinaw at hiwalay na nakalagay sa electricity bill ang allowable system loss charge.

Binigyang-diin ng ERC na dapat sundin ng mga apektadong kumpanya ang tamang billing, accounting at reporting alinsunod sa ERC rules at BIR circular.

Nauna nang sinabi ng BIR na hindi sakop ng exemption ang income tax at kaukulang creditable withholding tax.

Tiniyak naman ng ERC na patuloy itong magpapatupad ng mga hakbang para sa transparency, fairness at consumer protection habang sinisigurong naaayon sa batas at regulations ang mga singil sa kuryente. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles